Buhay na buhay ang bayanihan sa Los Angeles, California, dahil sa pagtulong at pagtutulungan ng mga Pilipinong naapektuhan ng Pacific Palisades wildfire na patuloy na nananalanta sa Southern California.
Kabilang sa Hollywood celebrities na natupok ang mga bahay dahil sa malawakang sunog ay sina Mandy Moore, Billy Crystal, Adam Brody, James Woods, at Paris Hilton.
Read: Dating aktor na si Dale Villar, inilarawan ang "super scary, apocalyptic" wildfire sa Oregon
G TONGI
“Apocalyptic in LA” ang pagsasalarawan ng U.S.-based Filipino actress na si G Tongi sa sunog na nagaganap sa Los Angeles na sumira sa maraming ari-arian at negosyo.
Lumikas ang maraming tao mula sa kanilang mga tahanan at pansamantalang nanuluyan sa mga hotel at sa bahay ng mga kamag-anak nila.
Si G ang FilmArts Executive Director ng Certified Nonprofit Professional.
Sa kanyang sulat na ipinadala kina US President Joe Biden at California Governor Gavin Newsom, hiniling niyang magkaroon ng mabilis na aksyon para sa wildfires na nangyayari sa Los Angeles.
Inirekomenda ni G na magkaroon ng immediate mortgage relief, nonprofit collaboration, corporate partnerships, sustainable housing solutions, at mental health support para sa mga mamamayan na apektado ng sunog.
KLAUDIA KORONEL
Aktibong miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang dating aktres na si Klaudia Koronel.
Ayon sa kanya, nabasa ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo at ng mga kaibigan niya ang ulat ng PEP tungkol sa sariling karanasan niya.
Read: Klaudia Koronel, iniligtas ang sarili at pasyente mula sa Pasadena fires
Sabi ni Klaudia sa Cabinet Files, “Dahil sa report ng PEP, ipina-check ako ng pamamahala ng sentral ng Iglesia Ni Cristo at ng district at resident minister. Pinadalhan din nila ako at ng mga kaibigan ko ng pagkain.
“Safe na ako. Tulog and ligo na lang ang gagawin ko, ang baho kasi ng usok,”
Isang certified nurse aide si Klaudia sa California, at nagawa niyang iligtas ang inaalagan niyang pasyente na 75 years old at may dementia.
Mabilis na inilikas ni Klaudia ang kanyang pasyente mula sa tahanan nito sa Pasadena, California, noong Martes, Enero 7, 2025, na muntik nang lamunin ng Palisades fire.

ISLAND PACIFIC SUPERMARKET
Nagpaabot naman ng tulong ang pamunuan ng Island Pacific Supermarket para sa mga Pilipinong nasalanta ng sunog.
Ang Island Pacific ang Filipino supermarket na pag-aari ng businessman na si Niño Lim, ang asawa ng former actress na si Krista Ranillo.
Read: Krista Ranillo, Nino Lim remarry in Catholic church rites 12 years after Jewish wedding
Ito ang nakasaad sa opisyal na pahayag na inilabas ng pamunuan ng Island Pacific Supermarket:
“Stay Safe, Mga Kababayan and Everyone!
“Our thoughts and prayers are with everyone affected by the Palisades, Hurst, Eaton, and Tyler Fires.
“To the brave firefighters, first responders, journalists, and volunteers, we honor your courage and sacrifice as you work tirelessly to protect our communities.
"Let us stand united in support of those in need. Please stay informed, stay prepared, and stay safe."
Important Information:
Evacuation Centers
- Westwood Recreation Center 1350 S. Sepulveda Blvd, Los Angeles, CA 90025
- El Camino Real Charter High School 5440 Valley Circle Blvd, Woodland Hills, CA 91367
Animal Shelters
Small animals:
- Agoura Animal Care Center, 29525 Agoura Rd., Agoura Hills
Large animals:
- LA Equestrian Center, 480 Riverside Dr.
- Burbank Pierce College Equestrian Center, 6201 Winnetka Ave., Woodland Hills Road
Closures
- Southbound Pacific Coast Highway at Las Flores Canyon Rd
- Southbound Pacific Coast Highway at Topanga Canyon Boulevard
- Coastline Drive and Southbound Pacific Coast Highway For Updates:
Follow https://www.facebook.com/LosAngelesFireDepartment
Monitor the Fire Incidents on the CAL FIRE website: https://www.fire.ca.gov/Incidents
“Praying for everyone’s safety—residents, animals, journalists, firefighters, and communities alike. Together, we can overcome this challenging time with compassion and strength.”
Read: Bahay ni Lady Gaga, nanganganib sa California wildfire