PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chinese actor, natagpuan apat na araw matapos maiulat na nawawala

Xing Xing, ibinalik na sa Thailand.
by Jojo Gabinete
Published Jan 7, 2025
xing xing
Chinese actor Xing Xing has been found safe after being reported missing near Thail-Myanmar border.
PHOTO/S: Instagram / Thailand Police

Natagpuan at naibalik na sa Thailand ang Chinese actor na si Wang Xing, na kilala sa kanyang screen name na Xing Xing, matapos maiulat na nawawala siya sa Thailand-Myanmar border noong Enero 3, 2025.

Read: Chinese actor Xing Xing reported missing near Myanmar-Thailand border

Dumating si Xing sa Suvarnabhumi Airport, Thailand, noong Enero 3 para sa shooting umano ng isang pelikula sa Mae Sot district.

Pero hindi siya nagbigay ng impormasyon tungkol sa kanyang propesyon at sa hotel na tutuluyan niya.

xing xing
Xing Xing arrives to Thailand after being reported missing
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa imbestigasyon ng Immigration Bureau, nagrenta si Xing ng sasakyan, sa halagang 5,000 baht, na naghatid sa kanya sa isang shopping mall sa Mae Sot district.

Mula sa shopping mall, sinundo si Xing ng truck na minamaneho ng isang ethnic group na nagdala sa kanya sa Myanmar.

Sinabi ng isang Immigration Bureau official na kusang-loob sumakay si Xing sa truck, at binayaran niya ng 2,000 baht ang nagmamaneho ng sasakyan.

Nabahala ang mga kamag-anak at kaibigan ni Xing nang mawalan ito ng komunikasyon sa kanila buhat nang dumating ang aktor sa Mae Sot district.

Humingi sila ng tulong sa pamamagitan ng mga social media post na ibinahagi naman ng ibang popular Chinese celebrities kaya naging malaking balita sa China ang pagkawala ni Xing.

Makalipas ang apat na araw, natagpuan si Xing sa Board Guard Forces custody sa Myanmar.

Ngayong Martes, Enero 7, ibinalik siya sa Thailand.

Read: Jeff Baena, director and husband of actress Aubrey Plaza, dies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

INVESTIGATION ON XING'S DISAPPEARANCE

Iniimbestigahan ng Thai Police kung biktima si Xing ng human trafficking.

Sasailalim din siya sa mga pagtatanong para alamin ang mga nangyari sa kanya sa ilang araw na pagkawala niya.

Hiningi naman ni Thailand Tourism and Sports Minister Sorawong Thienthong ang tulong ng Chinese ambassador para mahinto na ang mga balitang hindi ligtas bumisita sa kanilang bansa, na resulta ng paglalaho ni Xing, dahil maaaring makaapekto ito sa Thai tourism industry.

Iginiit ni Thienthong na hindi lamang nangyayari sa Thailand ang naranasan ni Xing dahil ginagamit din umano ang ibang mga karatig-bansa bilang sentro ng operasyon ng mga kriminal at call center gang.

Itinanggi rin ni Thienthong ang mga balitang kinuha ng Thai entertainment company na GMM Grammy ang serbisyo ni Xing kaya nagpunta ito sa Thailand.

Read: South Korean networks cancel TV broadcasts after plane crash tragedy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chinese actor Xing Xing has been found safe after being reported missing near Thail-Myanmar border.
PHOTO/S: Instagram / Thailand Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results