PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pelikula ni Darryl Yap base sa kuwento ng pamilya ni Pepsi Paloma

Darryl Yap, nag-post ng larawan kasama ang ina at kapatid ni Pepsi Paloma.
by Jojo Gabinete
Published Jan 7, 2025
pepsi paloma family darryl yap
Director Darryl Yap (left photo, center) posts a photo with late sexy actress Pepsi Paloma's mother Lydia and brother Zaldy, indicating that his latest film The Rapists of Pepsi Paloma is based on testimonies of Pepsi's own family.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook / File

Itinaon ng direktor na si Darryl Yap sa ika-38 kaarawan niya ngayong Martes, Enero 7, 2025, ang rebelasyon tungkol sa pagkikita at pag-uusap nila ng naulilang pamilya ni Pepsi Paloma.

Ibinahagi ng controversial director sa kanyang Facebook post ang larawan kung saan kasama niya ang ina ni Pepsi na si Lydia Duena Whitley at kapatid na si Zaldy.

Read: Titulong The Rapists of Pepsi Paloma, aprubahan kaya ng MTRCB?

Naging madali para kay Yap na mahanap sina Lydia at Zaldy dahil magkababayan sila sa Olongapo City, Zambales.

Base sa Facebook post ni Yap, halaw sa mga pahayag ng mag-inang Lydia at Zaldy ang kuwento ng The Rapists of Pepsi Paloma.

Pahayag ni Yap sa kanyang post ngayong Martes, published as is: “Sa loob ng 40 taon, pinakinggan at pinaniwalaan nyo na ang mga sikat, mga may pangalan, mga makapangyarihan, mga nagsalitang sila ang may alam, mga nagsabing sila ay kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon,

"Bigyan natin ng pagkakataon ang inang nanahimik nang napakatagal na panahon, ang inang matapos mawalan ng anak ay patuloy na nasasaktan sa mga paratang at panghuhusga.

“Tapos na ang pananahimik ng nakababatang kapatid ni Pepsi, na noo’y 15 years old lamang, kasama ng aktres hanggang sa mismong araw na siya ay natagpuang walang buhay sa loob ng aparador.

“Mananahimik ang Kasinungalinan dahil walang Kamatayan ang Katotohanan.

"Sila naman ang magsasalita.

"Sila naman ang magkukuwento.

"PAMILYA. HIGIT SA LAHAT."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GIL GUERRERO AND GUADA GUARIN

Malakas na ingay ang nilikha ng teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma dahil direktang binanggit ang pangalan ni Vic Sotto sa eksena nina Gina Alajar at Rhed Bustamante.

Si Gina ang gumaganap na Charito Solis, at si Rhed naman ang gumaganap na Pepsi Paloma.

Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser

gina alajar rhed bustamante the rapists of pepsi paloma
Gina Alajar and Rhed Bustamante in a scene from The Rapists of Pepsi Paloma
Photo/s: Darryl Yap Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami ang nabulabog at nayanig sa teaser na inilabas ni Yap noong mismong Bagong Taon, Enero 1.

Ito ang dahilan para muling magsalita ang dating bold actor na si Gil Guerrero.

Naungkat din ang panayam sa kapwa sexy star ni Pepsi na si Guada Guarin noong Hunyo 2024.

Naniniwala si Gil na walang pang-aabuso na nangyari kay Pepsi.

Ganito rin ang pahayag ni Guada.

Read: Gil Guerrero, pinuna ang pagsasapelikula ng buhay ni Pepsi Paloma

Iinaasahang may bagong panayam na lalabas kay Guada sa linggong ito tungkol sa nalalaman niya sa mga nangyari noong Hunyo 1982.

Si Guada ang kasama ni Pepsi sa Sulu Hotel, Quezon City, sa imbitasyon umano noon nina Vic, Joey de Leon, at ng pumanaw na komedyanteng si Richie D’Horsie.

Gaya ni Gil, nagpahiwatig si Guada na walang rape na nangyari pero pinili niyang manahimik noon dahil 14 years old pa lamang siya.

Read: Old interview ni Guada Guarin, lumitaw dahil sa Pepsi controversy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang nakakaalam sa kuwento ang nagsabing makalipas ang maraming taon, nagtangka si Guada na puntahan at kausapin si Vic sa studio ng Eat Bulaga! para humingi ng tawad.

Ito ay dahil inosente umano ang comedian-TV host sa mabigat na akusasyon.

Isang artistang kaibigan ni Vic, na kasamahan ni Guada sa Bible study, ang nilapitan ng dating sexy star para maging tulay sa komedyante at Eat Bulaga! host.

Diumano, hindi na pumayag si Vic makaharap si Guada dahil tapos na ang isyu kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon ang dating sexy star na personal makahingi ng tawad.

Read: Dating bold star Guada Guarin nagtangkang humingi ng tawad kay Vic Sotto dahil sa Pepsi Paloma controversy

Ang The Rapists of Pepsi Paloma ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Pebrero 2025, tatlong buwan bago ang ika-40 anibersaryo ng kamatayan ng aktres na winakasan ang sariling buhay noong Mayo 31, 1985.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Darryl Yap (left photo, center) posts a photo with late sexy actress Pepsi Paloma's mother Lydia and brother Zaldy, indicating that his latest film The Rapists of Pepsi Paloma is based on testimonies of Pepsi's own family.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results