PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gil Guerrero, pinuna ang pagsasapelikula ng buhay ni Pepsi Paloma

Gil Guerrero, may matapang na pahayag tungkol sa rape case ni Pepsi Paloma.
by Jojo Gabinete
Published Jan 4, 2025
gil guerrero pepsi paloma
Former bold actor Gil Guerrero (left) on contoversial rape case of late bold actress Pepsi Paloma (right) in 1982: “Sa totoo lang, hindi naman na-rape si Pepsi, yun ang opinyon ko.”
PHOTO/S: Files / Facebook

Trigger warning: Mention of rape, suicide

Napanood ng dating bold actor na si Gil Guerrero ang kontrobersiyal na teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma, ang bagong pelikula ng kontrobersiyal ding direktor na si Darryl Yap.

Bida sa pelikula ang dating child actress na si Rhed Bustamante, na gumaganap sa papel ng bold actress na si Pepsi Paloma.

Tampok din sa The Rapists of Pepsi Paloma sina Gina Alajar bilang Charito Solis, Mon Confiado bilang Dr. Rey dela Cruz, Shamaine Buencamino bilang ina ni Pepsi, at Rosanna Roces bilang Divina Valencia.

Read: Darryl Yap nag-ingay agad with The Rapists of Pepsi Paloma teaser

Si Gil ay binansagan noong "Betamax King" dahil sa bold movies na ginawa niya noong dekada '80.

gil guerrero
The young Gil Guerrero
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilalang-kilala ni Gil si Pepsi dahil pareho silang mga alaga ng pumanaw na talent manager na si Dr. Rey dela Cruz.

Nagkasama rin sila sa pelikulang The Victim na ipinalabas noong 1982.

the victim poster

Read: Pepsi Paloma, buhay pa rin sa alaala ng publiko 35 taon pagkatapos pumanaw

Kung si Gil ang tatanungin, ayaw niyang isapelikula pa ang kuwento ng buhay ni Pepsi, na nasangkot sa kaso ng rape noong Hunyo 1982 at winakasan ang sariling buhay noong Mayo 31, 1985.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo, gusto ko talaga na tahimik. Pero ngayon, komo ikaw ang mag-iinterbyu sa akin, okay lang sa akin na gawin ang pelikula ni Pepsi," pahayag ni Gil nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Sabado ng gabi, Enero 4, 2025.

Pagpapatuloy niya, "Pero sa totoo lang, ayokong makialam kasi gusto ko ng tahimik na buhay.

“Masalimuot kasi, saka nananahimik na si Pepsi."

GIL ON THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA TEASER

Sinabi ni Gil na napanood niya ang teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma, pero pinigilan siyang magsalita ng kanyang mga anak.

“Oo, nakita ko yung trailer. Ayokong magkomento at mag-like.

"Pinigil ako ng mga anak ko. Sabi nila, ‘Daddy, tahimik ka na. Huwag ka nang makialam. Baka madamay ka pa.’"

Pinuna rin ni Gil ang pagkakasama sa pelikula ng karakter ng yumaong beteranang aktres na si Charito Solis.

Ayon kay Gil, "Saka hindi naman kasali si Charito Solis. Kumbaga, parang si Charito, ginagamit nila kasi nakasama ni Charito sina Pepsi at Coca Nicolas sa pelikula."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tinutukoy ni Gil na pelikula ay ang Naked Island na ipinalabas noong 1984.

naked island poster

“Pero dapat hindi kasama si Charito, wala siya dapat sa pelikula kaya mali yung teaser,” pagtukoy ni Gil tungkol sa eksena nina Gina Alajar at Rhed Bustamante.

gina alajar rhed bustamante the rapists of pepsi paloma
Gina Alajar (left) and Rhed Bustamante (right) confrontation scene in The Rapists of Pepsi Paloma
Photo/s: Darryl Yap Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE CONTROVERSIAL RAPE CASE

Alam daw ni Gil ang mga kaganapan noon dahil siya ang kasama nina Pepsi at Rey sa paghahain ng kaso laban sa mga komedyanteng sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D' Horsie.

Nagbalik-tanaw muli si Gil sa mga pangyayari nang maghain ng kaso si Pepsi at ang kapwa nitong bold star na si Guada Guarin.

Read: Dating bold star Guada Guarin nagtangkang humingi ng tawad kay Vic Sotto dahil sa Pepsi Paloma controversy

Lahad niya: "Si Pepsi, napakabait na bata, masayahin. Saka kapag nag-smile siya, malapit sa tao. Very cute ang mukha niya.

“Parang ako ang driver-bodyguard noon ni Pepsi. Hatid-sundo ko siya sa mga taping, saka nung nagkaroon na ng kaso.

“Ako pa nga ang naghatid kina Pepsi at Guada Guarin sa taping noon ng Iskul Bukol sa Broadcast City kasi dati silang tumutuloy sa bahay ni Rey dela Cruz sa Quiapo.”

Ang Iskul Bukol (1978-1988) ay ang defunct sitcom na pinagbidahan nina Tito, Vic & Joey. Kasama rin sa sitcom si Richie D' Horsie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw pa raw sa alaala ni Gil ang mga pangyayari kahit 43 taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Gil, humingi ng tulong si Rey kay dating Defense Minister Juan Ponce Enrile dahil magkamag-anak umano ang dalawa.

Dahil nasaksihan niya ang mga naganap noon, kabilang si Gil sa mga ipinatawag sa korte para tumestigo sa panig nina Pepsi at Guada.

Sina Atty. Rene Cayetano at Atty. Lorna Kapunan ng Angara Law Offices ang mga tagapagtanggol noon nina Pepsi at Guada.

Lahad ni Gil: “Nung nagkaroon ng kaso, nag-witness ako sa Quezon City Regional Trial Court, kay Fiscal Apostol noong nabubuhay pa.

“Kinausap ako nina Atty. Rene Cayetano at Atty. Lorna Kapunan kasi may pelikula kami noon nina Pepsi at Myrna Castillo, yung Brown Emmanuelle.

“E, pinalalabas ng kabilang kampo, si Pepsi raw yung dinadali ko sa isang eksena, parang pinalalabas na prostitute siya.

"E, hindi si Pepsi yon, ibang babae na ekstra."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naranasan umano ni Gil na pasuin ng sigarilyo sa kanyang kamay ng isang kilalang personalidad nang araw na tumestigo siya sa korte.

Mahaba, detalyado, at nakagigimbal ang mga rebelasyon ni Gil tungkol sa mga karanasan noon ni Pepsi.

Pero nagmarka nang husto ang kanyang binitiwang-salita: “Sa totoo lang, hindi naman na-rape si Pepsi, yun ang opinyon ko.”

Read: Betamax King Gil Guerrero hinahanap ang ina ng 38-anyos na anak

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former bold actor Gil Guerrero (left) on contoversial rape case of late bold actress Pepsi Paloma (right) in 1982: “Sa totoo lang, hindi naman na-rape si Pepsi, yun ang opinyon ko.”
PHOTO/S: Files / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results