PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krissha Viaje, ibinahagi ang breakup nila ng Australia-based bf

Krissha Viaje, nagulat nang kinuha ng GMA-7 para sa Mga Batang Riles.
by Jojo Gabinete
Published Dec 26, 2024
krissha viaje breakup
Krissha Viaje on her first project with GMA-7, Mga Batang Riles: "Kahit ako nagulat, may nakapansin sa akin from outside of the digital world. Yung 2024, ito ang year na nag-start na lumabas ang lahat ng opportunities para sa akin. Nag-break through ako, mas nakilala ko ang sarili, mas minahal ko ang sarili ko…”
PHOTO/S: @imkrisshav on Instagram

“Na-outgrew namin ang isa’t isa,” paliwanag ni Krissha Viaje tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang Australian-based boyfriend noong 2023.

Tumagal ng limang taon ang kanilang relasyon.

Read: Get to know Krissha Viaje: From Little Big Star to Safe Skies, Archer

Ayon pa kay Krissha, “Naghiwalay kami last year, five-year long-distance relationship.

"I call him Bobby, he’s nine years older than me. Parang family friend namin siya."

Ito raw ang unang pagkakataong ibinahagi ng Viva actress ang sinapit ng relasyon nila ni Bobby.

“Wow, first time ko ise-share ang aming story. How do I say it?

"Parang ang nangyayari po, ako kasi, marami pa akong gustong gawin in my life.

"And siya, very secured na sa buhay niya. Okay na siya na mag-settle down.

"But I am not on the level yet, which he knows kaya on good terms pa rin kami.

"Sometimes, nagkukumustahan kami pero wala na,” kuwento ni Krissha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP BEST BETS 2024: The Pairs We Ship

KRISSHA FOCUSES ON HER SHOWBIZ CAREER

Hindi muna raw iniisip ni Krissha kung magkakabalikan pa sila ng dating karelasyon dahil nakatuon ngayon ang atensiyon niya sa kanyang showbiz career.

Handa na ba siyang magmahal muli?

Sagot ni Krissha, “Hindi pa rin po talaga ako ready, career muna. Kahit kami ni Jerome, we talk about it, career talaga muna.”

Ang "Jerome" na tinutukoy ni Krissha ay ang kanyang ka-loveteam na si Jerome Ponce.

Minsan nang inisip ni Krissha na talikuran ang showbiz dahil sa mga personal na isyu, pero nagbago ang kanyang pasya nang magbida siya sa Viva One original series na Safe Skies, Archer, katambal si Jerome.

Pagbabahagi niya, “Ang balak ko before... kasi I was with my boyfriend from Australia. If ever, nasa isip ko na baka nasa Australia na ako pero buti na lang…”

Posibleng naninirahan na raw siya sa Australia kung itinuloy niya noon ang balak na iwanan ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Who are the Viva stars primed for stardom?

KRISSHA'S FIRST DRAMA SERIES IN GMA-7

Ang drama-action series na Mga Batang Riles ang unang proyekto ni Krissha sa GMA-7.

Natutuwa siya sa malaking oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network management.

Read: Safe Skies, Archer star Krissha Viaje bibida sa serye ng GMA-7

Krissha Viaje at mediacon of GMA-7's Mga Batang Riles
Krissha Viaje at mediacon of GMA-7's Mga Batang Riles
Photo/s: Jojo Gabinete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tiniyak ni Krissha na walang magbabago sa loveteam nila ni Jerome kahit hindi sila magkasama sa Mga Batang Riles.

Saad niya, “Tuloy pa rin ang tambalan namin ni Jerome Ponce. Magkakaroon pa rin ng kami ng show.

“Sinabi ko sa kanya na meron akong show sa GMA7. Sabi niya, ‘Buti, nakuha ka ng GMA.’

“Kahit ako nagulat, may nakapansin sa akin from outside of the digital world.

“Yung 2024, ito ang year na nag-start na lumabas ang lahat ng opportunities para sa akin.

"Nag-break through ako, mas nakilala ko ang sarili, mas minahal ko ang sarili ko…”

Read: Patok na tambalan nina Jerome Ponce at Krissha Viaje, nauwi na ba sa totohanan?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krissha Viaje on her first project with GMA-7, Mga Batang Riles: "Kahit ako nagulat, may nakapansin sa akin from outside of the digital world. Yung 2024, ito ang year na nag-start na lumabas ang lahat ng opportunities para sa akin. Nag-break through ako, mas nakilala ko ang sarili, mas minahal ko ang sarili ko…”
PHOTO/S: @imkrisshav on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results