Mapapanood ngayong Martes ng gabi, Disyembre 24, 2024 sa Netflix ang ika-110 o huling kabanata ng war drama series ng GMA-7 na Pulang Araw.
Nakatakda namang matunghayan sa GMA-7 sa Biyernes, Disyembre 27, ang pagwawakas ng Pulang Araw.
Unang natunghayan sa telebisyon noong Hulyo 29, 2024 ang teleseryeng tumatanggap ng mga papuri dahil sa kuwento at mahusay na pagganap ng mga artista.
IS HIROSHI REALLY DEAD?
Sa ika-109 kabanata na ipinalabas noong Lunes, Disyembre, ipinakitang namatay si Hiroshi Tanaka, ang karakter na ginagampanan ni David Licauco.
Read: David Licauco, tumatanggap ng papuri dahil sa Pulang Araw
Ikinalungkot ng mga sumusuporta sa loveteam nina Barbie Forteza at David ang "pagkamatay" ng aktor sa Pulang Araw, pero may mga naniniwalang mabubuhay siya.

Ito ang dapat abangan sa pagtatapos ng drama war series ng Kapuso Network sa Netflix.
Bukod kina Barbie at David, pangunahing bida rin sa Pulang Araw sina Alden Richards, Sanya Lopez, at Dennis Trillo.

Sa limang bida, tanging ang karakter ni Dennis, ang Japanese Imperial Army officer na si Yuta Saitoh, ang inaasahang mamamatay dahil sukdulan ang kanyang kasamaan na kailangan niyang pagbayaran.
Read: Dennis Trillo, muling ipinamalas ang husay sa Pulang Araw

LOLONG TO REPLACE PULANG ARAW
May balitang ilang kabanata ng Season 1 ng Lolong ang pansamantala at muling ipalalabas ng GMA-7 kapag nagwakas ang Pulang Araw.
Ito ay para muling manariwa sa isipan ng publiko ang mga dating eksena ng matagumpay na primetime series na pinagbidahan ni Ruru Madrid.
Ipinalabas ang Season 1 ng Lolong mula Hulyo 4, 2022 hanggang Setyembre 30, 2022.
Ibabalik ng Kapuso Network ang Lolong, at mapapanood ang Season 2 ng programa simula sa Enero 20, 2025.
Ang Season 2 ng Lolong ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng Pulang Araw.
Ang Mga Batang Riles naman ang magiging kapalit ng Asawa ng Asawa Ko, na nalalapit na rin ang pagwawakas, simula sa Enero 6, 2025.
Read: Pulang Araw, No. 1 agad sa Netflix isang araw matapos mag-stream