PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boss Toyo, tinanggap ang Walang Matigas Na Pulis dahil kay Bong

Bong Revilla, nangakong bibisitahin ang shop ni Boss Toyo.
by Jojo Gabinete
Published Dec 24, 2024
boss toyo bong revilla
Content creator Boss Toyo reveals reason for accpeting role in the action-comedy series Walang Matugas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, starring Bong Revilla.
PHOTO/S: GMA Network

Parehong nagmula sa lalawigan ng Cavite sina Senator Bong Revilla at ang popular content creator na si Boss Toyo, na ang tunay na pangalan ay Jayson Luzadas.

Ito ang dahilan kaya tinanggap ni Boss Toyo ang alok na magkaroon siya ng partisipasyon sa Season 3 ng Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Read: Boss Toyo, content creators enter free TV via Geng Geng Network

Kuwento ng content creator: “May nag-chat po sa akin sa Viber regarding dito. Siyempre, ang una ko munang tiningnan, yung schedule.

“Tapos nalaman ko kay Senator Bong [na show], kasi kalugar ko po siya sa Cavite at talaga namang idol ko po siya dati pa.

“So, sabi ko po, 'Sige po, basta ayusin ang schedule.'

"Yun lang, kasi ang dami ko rin natanggihan na ibang mga series sa television because of my schedule.

"Pero ito, hindi ko puwedeng palagpasin ang isang Senador Bong Revilla. At siyempre, kalugar ko rin sa Cavite kaya talagang ginrab ko yung opportunity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Very proud ako kay Senator Bong Revilla, kahit saan mapunta, talagang Caviteño.”

Muling napanood ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa GMA-7 simula noong Linggo ng gabi, Disyembre 22, 2024.

Read: Boss Toyo on PHP14M showbiz memorabilia: ROI Not a Priority

BONG REVILLA TO VISIT BOSS TOYO'S PAWNSHOP

Sinundan ito ni Boss Toyo ng pasasalamat sa actor-politician.

Aniya, “Sen, maraming-maraming salamat, naging part ako nito.

"Ang daming mga teleserye na hindi ko natanggap so first time ko tumanggap, at talagang sobrang na-appreciate ko yung lahat ng staff, pati si Direk [Enzo Williams].

“Hindi ko na-feel na bago ako kasi first time ko ito na gagawin. Talagang hinayaan nila akong maging komportable.

"Saka napakabait nila, lalung-lalo na si Senator Bong, very generous."

Read: Boss Toyo, inaming "tumangkad" dahil kay Diana Zubiri

Nangako naman si Bong na, gaya ng mga co-star niyang sina King Gutierrez, Ryan Eigenmann, at Niño Muhlach, dadalawin din niya ang dinarayong shop ni Boss Toyo dahil pumayag nga itong tanggapin ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Bong: “Dahil nag-guest ka dito, pupunta rin ako doon.

"Actually, nagpapasalamat ako kay Boss Toyo. Alam ko maraming nag-o-offer sa kanya pero napagbigyan niya tayo.

“Yan ang kababayan ko na Caviteño. Magaling na artista, hindi mo sasabihin na first niya [umarte].

"Natural na natural na artista. Hindi siya umaakting actually. Innate sa kanya, nasa loob na niya.

“Sa totoo lang, hindi siya magiging Boss Toyo kung hindi siya magaling mag-connect sa mga tao.

"Nagba-vlog siya, ipinapaliwanag mo lahat ng gustong iparating sa kanila.

"Yung message mo, naipaparating mo sa mga tao, ibig sabihin nun, may puso ka at may utak ka."

Read: Boss Toyo, proud sa collection ng Pinoy showbiz memorabilia

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Content creator Boss Toyo reveals reason for accpeting role in the action-comedy series Walang Matugas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, starring Bong Revilla.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results