PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paano nagsimula ang "Bigyan ng jacket yan!" ni Willie Revillame?

Willie Revillame, bagong endorser ng sikat na local fashion brand
by Jojo Gabinete
Published Dec 23, 2024
willie revillame jacket
Willie Revillame on giving away jackets to studio audience and other people: “Dinadamitan at binibihisan mo ang mga matatanda, nagiging warm sila sa yo. Yung warmth ng tao, kapag warm sila sa yo, may pagmamahal kaya naisip ko yung ‘Bigyan ng jacket yan!’"
PHOTO/S: Courtesy of Adrien Gret

Kilala ang Wil To Win host na si Willie Revillame sa pamimigay ng mga jacket sa kanyang programa kaya hindi nakapagtatakang siya ang kinuha ng businessman na si Ben Chan bilang celebrity ambassador ng Bench jackets.

Natapos na ang pictorial ni Willie para sa bagong endorsement niya.

Inaasahang anumang araw ay makikita na ang kanyang mga billboard para sa clothing store chain ni Chan.

Read: Willie Revillame confirms run for senator in 2025 elections

willie revillame ben chan
Willie Revillame and Ben Chan
Photo/s: Courtesy of Adrien Gret
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW DID "BIGYAN NG JACKET YAN" START?

Tatak ni Willie ang pamumudmod ng mga jacket sa studio audience ng programa niya, pero marami ang hindi nakakaalam sa tunay na kuwento tungkol sa kanyang pamimigay ng nito.

Inilahad ni Willie sa Cabinet Files na nag-umpisa ang pagbibigay niya ng jacket sa Wowowee, ang kanyang dating noontime program sa ABS-CBN.

Kuwento niya: “May kaibigan si Boss Gabby Lopez [former ABS-CBN CEO and chairman] na babae na nanood ng Wowowee sa studio, balikbayan siya. Kasama niya ang kanyang nanay.

“Lumapit siya sa akin, sinabi niya na giniginaw ang nanay niya na matanda na. Nagtanong siya kung meron akong puwedeng ipahiram na shawl, shawl pa nga ang sinabi niya, hindi jacket.

“Tinawag ko si Owen [Ercia,dating floor director ng Wowowee]. On cam, sinabi ko sa kanya na, ‘Owen, bigyan ng jacket yan!”

Pagpapatuloy ni Willie, “Kinabukasan, nakatanggap kami ng tawag mula sa may-ari ng Hammerhead Jeans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto niyang mag-sponsor sa show at mga jacket ang kanyang ipamimigay.

"Kaya mula noon, namimigay ng ako ng jacket, hindi lamang sa mga matatanda kundi pati sa lahat ng mga pumupunta sa studio."

Ipinagpatuloy ni Willie ang pamamahagi ng mga jacket nang lumipat siya sa TV5, GMA-7, All TV, at hanggang sa kanyang muling pagbabalik sa Kapatid network noong Hulyo 2024.

Read: Willie Revillame, napaiyak sa TV comeback

Kahit saan magpunta si Willie, jacket ang hinihingi mula sa kanya ng mga taong nakakahalubilo niya kaya hindi siya nauubusan ng mga ipinamimigay na jacket.

Sabi niya tungkol sa pamimigay ng jacket, “Dinadamitan at binibihisan mo ang mga matatanda, nagiging warm sila sa yo.

"Yung warmth ng tao, kapag warm sila sa yo, may pagmamahal kaya naisip ko yung ‘Bigyan ng jacket yan!’"

Read: Willie Revillame, PHP1B ang halaga ng bagong property sa BGC

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on giving away jackets to studio audience and other people: “Dinadamitan at binibihisan mo ang mga matatanda, nagiging warm sila sa yo. Yung warmth ng tao, kapag warm sila sa yo, may pagmamahal kaya naisip ko yung ‘Bigyan ng jacket yan!’"
PHOTO/S: Courtesy of Adrien Gret
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results