Masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga dumalo sa red-carpet premiere ng Green Bones nang matapos ang panonood nila sa pelikula ng GMA Pictures na official entry sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ginanap ang red-carpet premiere ng proyektong pinangungunahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa Cinema 3 ng SM The Block Cinema, ngayong Biyernes ng gabi, Disyembre 20, 2024.
Read: MMFF 2024: Premieres, best actress and best actor race
Ang reaksiyon ng manonood ang pruwebang nagustuhan nila ang pelikula na nagpaiyak sa kanila.
Inaasahang magkakaroon ng nominasyon si Dennis para sa kategoryang pinakamahusay na aktor sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal dahil sa ipinamalas niyang husay sa pag-arte.
May karapatan din si Ruru na mabigyan ng nominasyon sa best supporting actor category.
Read: Dennis Trillo matunog na best actor sa MMFF 2024?

STAR-STUDDED RED-CARPET PREMIERE
Kasama sa cast ng Green Bones sina Iza Calzado at Ruby Ruiz, na parehong mapapanood din sa isa pang official entry sa 50th MMFF, ang The Kingdom.
May mahahalagang papel din sa Green Bones sina Wendell Ramos, Michael de Mesa, Victor Neri, Sofia Pablo, at Alessandra de Rossi, na isa sa mga paboritong aktres ni Zig Dulay.
Read: Iza Calzado grateful for GMA Pictures comeback via Green Bones

Si Zig ang direktor ng Green Bones, na malakas ang laban sa best picture category ng film festival na magsisimula sa Pasko, Disyembre 25, 2024.
Dumalo rin sa red-carpet premiere ng Green Bones ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee, na katuwang ni Anj Atienza sa pagsulat ng screenplay ng pelikula.

Si Anj ang nanalo ng best screenplay award sa MMFF 2023 para sa Firefly, na itinanghal na best picture at mula rin sa direksiyon ni Zig.
Read: Zig Dulay does not want to claim "actor's director" title but...
Sina Jennylyn Mercado, Kyline Alcantara, Rocco Nacino, Bianca Umali, Paul Salas, Stell Ajero, Pablo Nase, Jessica Soho, Atom Araullo, at Howie Severino ang ilan pa sa mga personalidad na sumuporta sa red-carpet premiere ng Green Bones.
