PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexy star, matagal nang hiwalay sa napapabalitang boyfriend

Sexy star, halos isang taon nang hiwalay sa napapabalitang boyfriend.
by Jojo Gabinete
Published Dec 20, 2024
blind item breakup
PHOTO/S: Canva

Halos isang taon na ang nakalilipas mula nang maghiwalay ang sexy star at ang kanyang boyfriend.

Ex-es na sila.

Pero ngayon lamang lumitaw ang balitang may namagitan sa kanila.

Ang sexy star ang nagpasyang makipaghiwalay sa kanyang boyfriend, kahit sinasabi nitong tunay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Read: BLIND ITEM: Bata, bata, sino ang iyong ama?

Masalimuot ang relasyon ng dalawa dahil maraming tao ang nadadamay.

Masakit man sa kalooban, pinili ng sexy star na iwanan ang kanyang karelasyon na minahal niya umano nang husto.

Pero kung kailan nagwakas ang inililihim nilang pagmamahalan, saka pumutok ang balitang may namamagitan sa dalawa — na isa nang fake news dahil mag-iisang taon na nga mula nang makipaghiwalay ang sexy star sa kanyang ex-boyfriend.

SEXY STAR, INIYAKAN ANG MGA PANGHUHUSGA NG NETIZENS

Iniiyakan ng sexy star ang mga nababasa niya tungkol sa hinuhusgahang relasyon nila ng ex-boyfriend dahil wala umanong katotohanan ang karamihan dito.

Ang malinaw ay masyadong maselan ang kuwento tungkol sa pagmamahalan ng sexy star at ng kanyang ex-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Male personality, binawi ang luxury car na ibinigay sa aktres

Naninidigan ang sexy star na wala siyang kinalaman sa isyu dahil matagal na raw siyang low-profile at wala na umano siyang social media accounts.

Masama ang magbintang ng kapwa, pero malakas ang kutob ng sexy star na ang taong may kagagawan ng kinasasangkutang isyu ay kilalang-kilala ng kanyang ex-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results