PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina, aminadong nag-alinlangang makipagkaibigan kay Marvin

Jolina Magdangal, nag-alinlangang makipagkaibigan kay Marvin Agustin
by Jojo Gabinete
Published Dec 19, 2024
marvin agustin jolina magdangal ex ex lovers
Marvin Agustin and Jolina Magdangal reunite in the romantic-comedy movie Ex Ex Lovers, which was partly shot in Malta.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nag-alinlangan si Jolina Magdangal na makipagkaibigan sa ka-loveteam na si Marvin Agustin noong mga bata pa sila.

Ipinagtapat ito ni Jolina nang tanungin siya tungkol sa nais niyang sabihin sa kanyang younger self.

Read: Marvin Agustin nadiskubre ang pagiging selosa ni Jolina Magdangal

“Siguro sasabihin ko, bakit pa ako nagdadalawang-isip kay Marvin na gawing best friend.

"Kasi ngayon ko talaga nakikita saka nararamdaman na totoo ko siyang kaibigan.

“Kasi marami akong naikukuwento sa kanya na hindi ko rin naman naikukuwento sa iba, and happy rin ako kapag nagkukuwento siya sa akin ng buhay-buhay namin."

Dagdag niya, “So naisip ko talaga dati, sabi ko, 'Luh, mapagkakatiwalaan ko ba ito kahit na ang dami naming pelikula?'

"Pero dapat pala hindi ko inisip yon kasi okay siya. Okay siyang kaibigan. May forever, sabi nila.

“Kaibigan din naman dati, pero hindi ko ma-explain yung ngayon, kung gaano ako kakumportable sa kanya. Hindi ko talaga ma-explain and ayoko nang i-explain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng press sina Jolina at Marvin sa media conference ng kanilang reunion project bilang magka-loveteam, ang Ex Ex Lovers, kahapon, Disyembre 18, 2024.

JOLINA ON STAYING RELEVANT IN SHOWBIZ

Nang mabuwag ang loveteam nila ni Marvin, hindi nawala si Jolina sa sirkulasyon dahil nagawa nitong i-reinvent ang sarili — mula sa pagiging teen star sa pagiging TV host at aktres.

Nanatili siyang relevant sa showbiz kaya naman malaki ang pagpapahalaga niya sa industriyang mahal na mahal niya.

Read: Jolina Magdangal makes teleserye comeback

Saad ni Jolina: “Siguro po dahil mahal ko talaga ang industriya, kahit na siguro meron na akong mas priority na family na sarili ko po.

"Every time pa rin na may schedule, nae-excite pa rin ako, kinakabahan, and ayoko siya mawala.

“Kahit na anumang show yan, kahit isang kanta, kabang-kaba pa rin ako. Feeling ko, matatakot ako kapag hindi na ako kinakabahan.

“Kapag mahal mo yung isang bagay, iikot at iikot sa buhay mo yun, one way or another.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, para sa akin, mahal ko talaga itong industry."

JOLINA-MARVIN REUNION MOVIE

Tinanong ng Cabinet Files si Jolina kung paano niya kukumbinsihin ang publiko, lalo na ang mga kabataan, na panoorin ang reunion movie nila ni Marvin.

"Paano nga ba?" napaisip na sagot ng actress-TV host.

"Tutal naman ang nagpo-post sa TikTok, sila na rin ang mga nagkakalat ng mga hitsura namin dati at saka yung ngayon. Ang gagaling na nilang mag-edit.

“From dun pa lang, alam na naming magkakatulungan na ito. Tutulungan nila kami to… para [irekomenda] sa generation nila.

“Pero hindi naman tayo natatapos sa bansang ito. Parang puwede rin umikot."

Dagdag pa ni Jolina, "Masasabi naming makakaramdam sila ng ibang feeling na, alam mo yung kapag kumain ka o meron kang kinain tapos naalaala mo nung bata ka pa?

"Parang ganoon ang feeling kapag napanood nila yung movie na to.

"Yun ang maipa-promise namin ni Marvin.”

Read: Marvin Agustin, biglang umatras sa project nila ni Jolina Magdangal

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinunan sa Malta ang ilan sa mga eksena ng Ex Ex Lovers na katuparan ng pangarap ni Jolina na marating ang naturang bansa.

“Sa totoo lang, bitin nga yung naging work namin dun kasi parang ang konti lang talaga ng time na magkatrabaho kami.

"Pero yung lugar kasi talaga, matagal ko nang ini-aim na makapunta ng Malta.

“Gusto ko talagang pumunta doon dahil gusto ko yung lugar. Gusto ko yung mala-European yung hitsura.

"Tapos gagawa ka pa ng movie, ang sarap ng nakakadagdag pa sa eksena yung feeling ng lugar namin.

"Kapag walang ginagawa, picture-picture. Alam niyo naman, kailangan ng contents ngayon. Walang boring moments," masayang sabi ni Jolina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marvin Agustin and Jolina Magdangal reunite in the romantic-comedy movie Ex Ex Lovers, which was partly shot in Malta.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results