Ginunita ng naulilang pamilya ni Ronaldo Valdez ang unang anibersaryo ng pagpanaw ng award-winning actor ngayong Martes, Disyembre 17, 2024.
Linggo ng hapon noong nakaraang taon nang sumambulat ang nakagugulat na balitang pumanaw si Ronaldo sa isang nakagigimbal na paraan.
Dahil dito, humiling ang pamilya niyang igalang ang kanilang pribadong pagluluksa.
Naulila ng beteranong aktor ang kanyang asawang si Baby, at mga anak na sina Janno at Melissa Gibbs.
Read: Janno Gibbs confirms passing of dad Ronaldo Valdez
JANNO AND MELISSA GIBBS remember late father
Ginunita ni Janno ang unang taon ng pagpanaw ng kanyang ama sa pamamagitan ng isang Instagram post — ang larawan nila ng kanyang ama na karga siya noong paslit pa lamang siya.
Madamdaming mensahe niya: “To dance w/ my father again. It’s been a year. Still missing you.”
View this post on Instagram
Gaya ni Janno, labis ding nangungulila si Melissa sa kanilang ama.
Ibinahagi rin niya sa isang social media post ang kanyang saloobin bilang nag-iisang anak na babae ng namayapang aktor.
Mensahe ni Melissa, “In loving memory of a father who will forever hold a special place in our hearts.
"One year may have passed but your love remains with us.
"I miss you so much papa but I know you are now reunited with our Creator and Savior.”
Ipina-cremate ang mga labi ni Ronaldo.
Sa pakikipag-usap noon ng Cabinet Files kay Janno, sinabi nitong nasa pag-iingat ni Melissa ang urn na naglalaman ng mga abo ng kanilang ama.
Sa social media post ni Melissa ngayong Martes, ibinahagi rin niya ang larawan ng urn ng tatay nila ni Janno at ng simbahan ng San Andres Apostol Parish sa Greenwords Executive Village, Pasig City, na pinagdausan ng banal na misa para sa kanilang ama.
Read: Janno Gibbs pays tribute to late dad Ronaldo Valdez
View this post on Instagram