PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla, tinanggihan ang special role sa Mga Batang Riles

Robin Padilla, inirekomenda si Ronnie Ricketts.
by Jojo Gabinete
Published Dec 16, 2024
robin padilla ronnie ricketts mga batang riles
Senator Robin Padilla (left) reveals that he was offered to have a special participation in the upcoming GMA-7 action-drama series Mga Batang Riles, but he begged off because of his other commitments. He then recommended Ronnie Ricketts (right) to the management.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network

Mula nang mahalal siyang senador ng bansa noong 2022, hindi na nagkaroon ng pagkakataong umarte sa telebisyon at sa pelikula si Robin Padilla.

Pero ikinuwento niya sa Cabinet Files na inalok siya para magkaroon ng importanteng partisipasyon sa Mga Batang Riles, ang primetime action-drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Enero 2025.

Read: Mga Batang Riles, papalit sa timeslot ng Pulang Araw?

“Hindi ko tinanggap. Hindi na kaya ng oras ko,” sabi ni Robin nang eksklusibo namin siyang makausap sa Konsyerto sa Palasyo, ang pagpupugay sa pelikulang Pilipino na idinaos sa Kalayaan Grounds ng Malacañang Palace, Linggo ng gabi, Disyembre 15, 2024.

Read: Konsyerto sa Palasyo, napapanahong pagpugay at suporta ng gobyerno para sa local film industry

Nabanggit ni Robin na siya ang nagmungkahing si Ronnie Ricketts ang kunin bilang kapalit niya sa Mga Batang Riles.

Pagdating daw kasi sa martial arts ay mas marami ang kaalaman ng kanyang kapwa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RONNIE RICKETTS REPLACED ROBIN PADILLA?

Hindi maipagkakailang pinakinggan ang mungkahi ni Robin dahil si Ronnie ang kinuha ng GMA-7 para gampanan ang importanteng papel bilang tagapagsanay sa martial arts ng mga batang riles.

Dahil nabanggit lamang ni Robin ang kuwento, posibleng hindi alam ni Ronnie na may kinalaman ang senador sa partisipasyon niya sa Mga Batang Riles.

Tampok sa Mga Batang Riles ang Kapuso young actors na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.

Read: Ronnie Ricketts reveals secret to 30-year marriage with Mariz

mga batang riles

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
(From left) Antonio Vinzon, Kokoy de Santos, Miguel Tanfelix, Raheel Bhyria, and Bruce Roeland
Photo/s: GMA Network

Ang mga trabaho niya sa senado ang dahilan kaya dalawang pelikula ni Padilla ang hindi pa nito natatapos dahil sa kakulangan ng oras.

Ito ay ang Bad Boy 3 at ang Plaridel, ang proyekto tungkol sa buhay ng revolutionary writer na si Marcelo H. Del Pilar.

Si Robin din ang napiling gumanap na Gringo Honasan sa isang pelikula tungkol sa dating sundalo at senador.

Read: Robin Padilla, gaganap na Gringo Honasan sa pelikula

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Robin Padilla (left) reveals that he was offered to have a special participation in the upcoming GMA-7 action-drama series Mga Batang Riles, but he begged off because of his other commitments. He then recommended Ronnie Ricketts (right) to the management.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results