Ginanap ang Konsyerto sa Palasyo Para Sa Pelikulang Pilipino nitong Linggo ng gabi, Disyembre 15, 2024 sa Kalayaan Grounds ng Malacañang Palace.
Ang konsyerto ay isang pagtatanghal na may layuning mabigyan ng entablado at higit na makilala ang mga mang-aawit, mananayaw, at ibang mga Pilipino na alagad ng sining ng pagtatanghal.


Sina President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga nanguna sa pagkilala at pagdiriwang sa mga hindi matatawarang kontribusyon sa lipunan ng Philippine movie industry.
Itinaon ang selebrasyon sa ika-limampung anibersaryo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa Disyembre 25, 2024 at matatapos sa Enero 7, 2025.
Tumagal lamang ng isang oras ang konsyerto.
KONSYERTO SA PALASYO, STAR-STUDDED!
Ilan sa mga namataan ng Cabinet Files sa Kalayaan Grounds, ilang minuto bago nagsimula ang Konsyerto Sa Palasyon, ay ang mga sikat at beteranong artista gaya nina Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Robin Padilla, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, Phillip Salvador, Lorna Tolentino, Hilda Koronel, Chanda Romero, Boots Anson-Roa, at Helen Gamboa.

Sumipot din sa naturang pagtitipon ang iba pang mga artistang may pelikulang kalahok sa 50th MMFF.
Kabilang dito sina Seth Fedelin at Francine Diaz, ang mga bida sa My Future You, ang official entry ng Regal Entertainment Inc.; si Aicelle Santos, ang lead star ng Isang Himala; sina Sid Lucero, Sue Ramirez, at Cristine Reyes ng The Kingdom.
Nakita rin ng Cabinet Files sina Vice Ganda, Gladys Reyes, at Kokoy de Satos ng And The Breadwinner Is...; Arjo Atayde, at Sylvia Sanchez ng Topakk; JC Santos ng Espantaho; Ron Angeles ng Uninvited; sina Enrique Gil, Rob Gomez, Alexa Miro, MJ Lastimosa ng Taiwan Killer Hospital.
Read: Konsiyerto sa Palasyo at Parade of Stars, heto ang mga detalye!

Mga nagtanghal sa Konsyerto ng Palasyo ang mga mang-aawit na sina Gian Magdangal, Jon Joven, Dane Mercado, Molley Langley, at Zsa Zsa Padilla.

KONSYERTO SA PALASYO, MALAKING TULONG PARA SA LOCAL MOVIE INDUSTRY
Nagpasalamat si FDCP Chair Jose Javier Reyes sa administrasyon ni President Marcos Jr. dahil sa suportang ibinibigay nito sa Philippine movie industry.
Sinabi ni Reyes sa panayam sa kanya, “We greatly appreciate, the Philippine film industry greatly appreciates this event because I think it proves once and for all that this is one administration that does not just merely give lip service.
"It’s not really a set of promises. It’s not merely reaching out to the Philippine film industry when there is something needed from the people of the industry.
“Here, we see a deliberate and concentrated and concerted effort of the administration to really help the film industry which is in dire need of the support of the government."
Inanyayahan din ni Reyes ang lahat na panoorin ang mga pelikulang kalahok sa 50th MMFF.
“Sa lahat ng mga kapwa ko Pilipino, inaanyayahan ko kayo na panoorin ang sampung pelikula ng Metro Manila Film Festival.
"Naiiba ang taong ito sapagkat ito ang ika-limampung anibersaryo ng MMFF at sa dahilang ito, hindi lamang yung laki ng stars kundi yung kalidad ng mga pelikula na pinagsama-sama para maging makahulugan at, higit sa lahat, magkaroon ng kinabukasan ang pelikulang Pilipino dala ng sampung pelikulang ito.”
Read: Vice Ganda, kumpirmadong dadalo sa MMFF 2024 event sa Malacanang