PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ayanna Misola, balik-pelikula matapos mag-high school

Tuluy-tuloy na kaya ang pagbabalik niya sa showbiz?
by Jojo Gabinete
Published Dec 15, 2024
Ayanna Misola and Boy Kaldag poster
Kaya pala absent muna sa showbiz noon si Ayanna Misola (kaliwa) ay dahil kailangan niya munang maging present at tapusin ang kanyang senior high school studies. Balik-VMX siya ngayon with Benz Sangalang sa "Boy Kaldag" (kanan).
PHOTO/S: @vmxphilippines Instagram

Makalipas ang isang taon na pagpapahinga, muling nagbabalik-pelikula sa Boy Kaldag ang VMX star na si Ayanna Misola bilang isa sa mga babae na nagkaroon ng kaugnayan sa karakter na ginagampanan ni Benz Sangalang.

Sinabi ni Ayanna na tinanggap nito ang alok na maging bahagi ng Boy Kaldag dahil bukod sa iisa ang agency na kinabibilangan nila ni Benz, nami-miss na niya ang pag-arte.

“Na-convince po ako bumalik kasi siyempre kailangan natin i-support si Benz na kapatid natin sa agency.

"Ako, open naman po ako na bumalik sa pelikula at saka miss ko na rin talaga na gumawa ng pelikula. Nakaka-miss,” deklarasyon ni Ayanna sa nakaraang media conference ng Boy Kaldag.

May kinalaman din sa pag-aaral ang pagkawala ni Ayanna sa showbiz dahil ayon sa kanya, tinapos muna niya ang high school studies.

“Saka nawala rin po ako dahil itinuloy ko ang pag-aaral, senior high school. Yun lang ang reason pero ngayon nag-stop ako," dagdag na pahayag ni Ayanna na hindi masabi kung tuluy-tuloy na ang pagbabalik niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tingnan natin, hindi ko pa sure pero nami-miss ko talaga ang movies,” ang sabi ni Ayanna na minsan nang nagsalita na ayaw na niya na magpaseksi sa pelikula.

Si Roman Perez Jr., ang direktor ng Boy Kaldag at siya ang nagkuwento na kasama sana si AJ Raval sa launching movie ni Benz.

Sina AJ, Ayanna, at Angeli Khang ang mga A-lister VMX stars at may panghihinayang si Roman dahil hindi nakumpleto ang kanyang dream cast.

“Ang gusto talaga namin na mabuo ay all-star ng Vivamax. So si AJ Raval ang inaantay namin na dumating.

"Yun nga, may sapaw lang ang schedule. Ang mamahal ng mga yan. May mga ginagawa rin sila na iba-ibang pelikula.

“Sabi ko nga, kung dumating si AJ, siguro parang Marvel na yun ng Vivamax.

"Ewan ko nga ba sa ating kaibigan kung bakit hindi nabigyan ng oras ang Boy Kaldag?” ang tila may pagtatakang pahayag ni Roman pero posibleng alam niya ang katotohanan tungkol sa desisyon ni AJ na huwag nang magkaroon ng partisipasyon sa Boy Kaldag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaya pala absent muna sa showbiz noon si Ayanna Misola (kaliwa) ay dahil kailangan niya munang maging present at tapusin ang kanyang senior high school studies. Balik-VMX siya ngayon with Benz Sangalang sa "Boy Kaldag" (kanan).
PHOTO/S: @vmxphilippines Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results