PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo, muling ipinamalas ang husay sa Pulang Araw

Dennis Trillo, maaaring ikumpara sa legendary actor na si Eddie Garcia.
by Jojo Gabinete
Published Dec 10, 2024
dennis trillo pulang araw
Dennis Trillo continues to deliver sterling performance as Colonel Yuta Saitoh in GMA-7 war drama series Pulang Araw.
PHOTO/S: GMA Network

Dati nang magaling na aktor si Dennis Trillo pero lalo nitong ipinakita ang husay sa pag-arte sa ika-99 kabanata ng Pulang Araw sa Netflix.

Si Dennis ang nagbibigay-buhay sa karakter ni Yuta Saitoh, ang mapanlupig na Japanese Imperial Army officer sa war drama series ng GMA-7 na napapanood din sa Netflix.

Read: Dennis Trillo elated about working with Kapuso A-listers

Kahanga-hanga ang pag-arteng ipinamalas niya sa eksenang sinaksak siya sa leeg ni Teresita Borromeo, na ginagampanan ni Sanya Lopez, gamit ang kanzashi, ang hair ornament na ginagamit sa tradisyunal na Japanese hairstyle.

Maiksi lamang ang eksena pero buong husay ito nagampanan ni Dennis, na kapani-paniwala ang pag-arte dahil sa kanyang facial expression at paglitaw ng mga nagngangalit na ugat sa leeg niya na epekto ng sakit na nararamdaman.

dennis trillo pulang araw
Dennis Trillo in a scene from Pulang Araw
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatunayan ni Dennis na kayang-kaya nitong gampanan ang lahat ng mga karakter na ipinagkakatiwala sa kanya, bida man o kontrabida.

Epektibo si Dennis sa papel nito bilang malupit na opisyal ng Japanese Imperial Army.

Ang karakter ni Yuta Saitoh at hindi siya ang nakikita ng manonood na muhing-muhi sa kasamaan at sa malupit na trato niya sa mga Pilipino.

Maikukumpara namin si Dennis sa pumanaw na aktor na si Eddie Garcia na hindi matatawaran ang kakayahan sa pag-arte sa lahat ng mga karakter na ibinibigay sa kanya sa pelikula at telebisyon.

Kung sakaling magkaroon ng mga acting nomination si Dennis para sa pagganap niya sa Pulang Araw at kung sakaling manalo siya, hindi pagdududahan ang kanyang tagumpay, kahit kuwestiyonable ang kredibilidad ng award-giving body na nagbibigay ng mga parangal.

Read: Dennis Trillo elated about villain role in Pulang Araw

REASONS TO WATCH PULANG ARAW

Ang mga natatanging pagganap nina Dennis, Rochelle Pangilinan, Sanya Lopez, Barbie Forteza, Alden Richards, Isay Alvarez, Epy Quizon, Angelu de Leon, Jay Ortega, at ang kuwento ng Pulang Araw ang ilan sa mga dahilan kaya tinututukan ng mga manonood ang historical drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angelu de Leon, nagpaalam na sa Pulang Araw

Sa kasalukuyan ay meron nang 110 episodes (mula sa dating 100 episodes) sa Netflix dahil nabigyan ito ng extension.

Napansin din sa Pulang Araw ang malaking pag-unlad ng acting ability ni David Licauco kaya nakatanggap ito ng mga papuri.

Pero sa mga huling kabanata ng Pulang Araw, masyadong ginalingan ni David ang pag-arte.

Sa aming opinyon, hindi na ito natural dahil dilat na dilat ang kanyang mga mata, kahit sa mga simpleng eksena niya.

Apparently, ang mata sa mata na pagganap ang nais ipamalas ni David, pero nasobrahan ito.

Mapapansin ang kanyang mga nagdudumilat na mata sa karamihan sa mga eksena niya sa Pulang Araw.

david licauco pulang araw
David Licauco in a scene from Pulang Araw
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Postscript: Nangyari ang huling araw ng taping ng cast ng Pulang Araw sa Intramuros, Maynila, noong Disyembre 4.

Mapapanood sa Netflix sa Disyembre 24 at sa GMA-7 sa Disyembre 27 ang huling kabanata ng Pulang Araw.

Ang Mga Batang Riles ang ipapalit sa mababakanteng oras ng maipagmamalaking historical drama series ng Kapuso Network.

Read: Pulang Araw ng GMA-7, unang mapapanood sa Netflix

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo continues to deliver sterling performance as Colonel Yuta Saitoh in GMA-7 war drama series Pulang Araw.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results