PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Outcast, inspirasyon si Angelica Yulo sa kanta para sa mga ina

Meet the members of Outcast!
by Jojo Gabinete
Published Dec 8, 2024
outcast angelica yulo
Outcast members (left photo, with Ai-Ai delas Alas) reveals the feud between Angelica Yulo (right) and son Carlos Yulo (not in photo) became their inspiration for their song "WKMM." Neil says, “Hindi naman po sa pangingialam sa isyu nila. Ang sa amin lang po, pahalagahan ninyo ang parents ninyo habang buhay pa sila. Hindi matutumbasan ng salapi o ginto ang halaga nila."
PHOTO/S: Facebook

Tinutulungan ni Ai-Ai delas Alas ang underground all-boy rap group na Outcast para magkaroon ng puwang sa Philippine music industry.

Ang anim na miyembro ng Outcast na nagmula lahat sa Dasmariñas, Cavite, ay sina Karl Gabriel Vadillo, Alexander Cardinal Jr., Jhonwayne Layson, Neil Edrianna Soliva, Reniel Depositor Aras, at RM Flores.

Read: Ai-Ai, tinutulungan ang Outcast habang nasa recovery period siya

karl gabriel vadillo outcast
alexander cardinal jr. outcast
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
jhonwayne layson outcast
neil edrienne soliva outcast
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
reneil depositor aras outcast
rm flores outcast
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

INSPIRED BY ANGELICA YULO

Sa panayam ng Cabinet Files sa mga miyembro ng Outcast, sinabi nilang si Angelica Yulo ang kanilang inspirasyon sa orihinal na komposisyon nilang "W.K.M.M. (Wag Kang Mag-alala Mama)."

Si Angelica ang kontrobersiyal na ina ng two-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo.

Nilikha ng Outcast ang "W.K.M.M." noong panahong mainit na pinagpipistahan ng publiko ang hidwaan ng mag-inang Angelica at Carlos.

Si Neil, na ulilang lubos sa mga magulang, ang nagpaliwanag tungkol sa kantang iniaalay nila para sa ina ni Carlos.

“Hindi naman po sa pangingialam sa isyu nila. Ang sa amin lang po, pahalagahan ninyo ang parents ninyo habang buhay pa sila.

"Hindi matutumbasan ng salapi o ginto ang halaga nila," sabi ng Outcast member.

Alam daw ni Neil ang pakiramdam ng isang ulila dahil bata pa siya nang magkasunod na pumanaw ang nanay at tatay niya.

Saad niya, “Dapat pahalagahan ang mga magulang habang nandiyan pa sila kasi kapag dumating sa point na wala na sila, dun po ninyo mare-realize yung halaga nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana lang, sa mga kabataan, sulitin ninyo ang bawat oras na kasama ninyo ang inyong mga magulang.”

Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son

OUTCAST MEMBERS GRATEFUL TO AI-AI

Ang Outcast member na si Jhonwayne ang nagsabing malaki ang pasasalamat at utang na loob nila kay Ai-Ai dahil sa pagtulong nito sa kanilang grupo.

Kasama si Ai-Ai sa music video ng "W.K.M.M."

Isa itong hindi makalilimutang karanasan para sa Outcast dahil malaking karangalan daw ang panahon at suportang ibinibigay sa kanila ng Comedy Queen ng Pilipinas.

outcast ai-ai delas alas
Outcast with Ai-Ai delas Alas
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Jhonwayne: “Hindi po iba ang turing niya sa amin. Na-feel po namin siya as Mama, hindi po ibang tao.

“Na-feel po namin ang pagiging nanay niya sa amin. Yun po ang unforgettable moment.

"Siyempre po, nasa mainstream na si Mama Ai, at kami po, nasa underground pa lang.

“Kumbaga, hindi po basta-basta lang ang tingin niya sa mga underground singer, diyamante po, kaya diyamante rin ang tingin namin sa kanya.

“First time po naming magkaroon ng artistang kasama sa music video.”

Bilang ganti sa mga tulong ni Ai-Ai, nagbitaw ng pangako ang mga miyembro ng Outcast na hindi sila magiging mayabang at mananatiling mapagkumbaba, kung sakaling magtagumpay ang grupo nila.

Read: Ai-Ai delas Alas, maglulunsad ng bagong rap group

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Outcast members (left photo, with Ai-Ai delas Alas) reveals the feud between Angelica Yulo (right) and son Carlos Yulo (not in photo) became their inspiration for their song "WKMM." Neil says, “Hindi naman po sa pangingialam sa isyu nila. Ang sa amin lang po, pahalagahan ninyo ang parents ninyo habang buhay pa sila. Hindi matutumbasan ng salapi o ginto ang halaga nila."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results