PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aicelle Santos, saksi sa tunay na milagro sa kanilang pamilya

Aicelle Santos, nanalig sa kanyang pananampalataya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 6, 2024
aicelle santos isang himala presscon
Aicelle Santos leds the cast of the musical film Isang Himala, an official entry to the 2024 Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: @thecreazionstudios on Instagram

Hindi lamang ang pagpili sa kanya para gumanap na Elsa sa reimagined version ng Himala ang milagrong itinuturing ni Aicelle Santos.

Read: Aicelle Santos, "milagro" ang pagiging bida sa Isang Himala

Dalawa sa mga miyembro ng pamilya ng Kapuso singer-actress ang gumaling mula sa mga karamdaman dahil sa pinaniniwalaan niyang milagro.

Si Aicelle ang bida sa Isang Himala, isa sa sampung pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa ginanap na media conference ng proyekto, pinatotohanan ni Aicelle na totoo ang mga nangyayaring milagro sa ating buhay.

“Ang himala po sa buhay ko na lagi kong ikinukuwento sa mga kakilala o hindi ay mirakulo ng pagpapagaling ng Panginoon sa aking pamilya,” sabi ni Aicelle, na aktibong Kristiyano ang pagpapakilala sa sarili.

“Meron akong kapatid, 21 years old, isa na siyang cancer survivor. Siya po ay pinagaling ni Lord from Stage 2 lymphoma.

"Pero towards the six months ng chemotherapy, inatake naman sa puso yung 19-year-old brother ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito po yung case ng myocarditis. Yung myocarditis, ito yung pinatitigil ng muscles ng heart mo na mag-pump.

"So, kung ang heartbeats natin per minute is 80 to 100, sa kanya naging 20 beats per minute.

Ang sabi sa akin ng doktor, nanganganib na talaga siya. Ako noon, dinala ko siya sa ospital, kasama ng nanay ko, naka-paa lang.

“E, nakita ko ang nanay ko, namumutla. E, high blood din ang nanay ko.

“Sabi ko, ‘Ma, diyan ka, kukuha ako ng gamot mo, kukuha ako ng tsinelas mo.”

Read: Isang Himala producers "hopeful" amid strong competition in MMFF

WITNESSING A MIRACLE

Ikinuwento ni Aicelle na pagbalik nito sa ospital, naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina dahil sa kalagayan ng maysakit.

“Pagbalik ko sa emergency room, naiyak na ang mommy, sabi ko, 'Bakit?' 'Pinapirma na ako ng waiver.'

“Sabi ko, hindi. Talagang noong panahon na yon, yung confidence ko kay Lord, yun lang talaga ang kinapitan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, 'Ma, ‘Mabubuhay si Aaron.’

“Aktibong Kristiyano ako and out loud. I prayed over him, sa puso niya.

"'In the mighty name of Jesus, you are healed. In the mighty name of Jesus, ang kagalingan ng Panginoon, mula ulo hanggang paa, dumadaloy ang dugo ng Panginoon sa yo. Amen.'

“Right there and then, I witnessed a miracle, dumilat po ang kanyang mata.

"And then, ang mommy, tumigil sa pag-iyak."

Read: Aicelle Santos mourns death of her mother: "Fly free now."

Hindi nagsasawa si Aicelle sa pagbabahagi sa mga tao ng mga kuwento ng himala na ipinakita sa kanya ng Panginoong Diyos.

Matapos magkuwento, isang masigabong palakpakan ang tinanggap ni Aicelle mula sa lahat ng mga dumalo sa media conference ng Isang Himala na naantig nang husto ang mga damdamin dahil sa kanyang testimonya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aicelle Santos leds the cast of the musical film Isang Himala, an official entry to the 2024 Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: @thecreazionstudios on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results