Nasorpresa si Nico Locco sa nominasyon niya sa Breakthrough Performance in OTT (Over The Top) Streaming category, para sa VMX movie na Kolektor, sa Iwa Ma Ima Asian International Film Festival.
Ginanap ang gabi ng parangal ng Iwa Ma Ima Asian International Film Festival sa Sumiyoshi Main Hall sa Osaka, Japan, noong Disyembre 1, 2024.
Si Nico ang naging kinatawan ng Kolektor.
Read: Nico Locco willing to do live selling for his underwear brand
“I was invited and nominated ako for Breakthrough Performance in OTT Streaming category for Kolektor. Parang international term ang OTT for streaming platforms straight to consumer.
“Marami akong kalaban sa category, like nominees from Japan, Korea, Taiwan, and USA.
"Kaya medyo crazy ako kasi yung ibang mga kalaban ko were nominated for Netflix films kaya bongga ang VMX,” masayang pagbabalita ni Nico sa Cabinet Files nang makabalik siya sa Pilipinas.

Pinahahalagahan nang husto ni Nico ang nominasyon niya mula sa Iwa Ma Ima Asian International Film Festival para sa pelikulang nagbigay sa kanya ng near-death experience.
Nawalan si Nico ng malay at nabagok ang ulo niya sa sementadong gutter habang kinukunan ang kanyang madamdaming eksena noong Oktubre 26, 2024.
Read: Nico Locco, near-death experience sa shooting ng VMX movie
STAR-STUDDED EVENT
Ibinalita ni Nico na nagkaroon ng jury showing sa Iwa Ma Ima Asian International Film Festival ang Kolektor na ipapalabas sa VMX sa Enero 2025.
Hindi lamangsi Nico ang aktor mula sa Pilipinas na inimbitahan sa nabanggit na film festival.
Ayon sa kanya, “May other big actors from the Philippines that attended — sina Alfred Vargas, Jane de Leon, at Kiray Celis.”
Ang Kyomigaru Creative Collective, Global Maharlika in Kansai, the Philippines Community Coordinating Council, at ang Korean Residents Union sa Osaka, Japan (for Asian Film, TV at New Media Content) ang mga nagtatag at bumubuo sa Japan-based Iwa Ma Ima Asian International Film Festival.