PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai, tinutulungan ang Outcast habang nasa recovery period siya

Ai-Ai delas Alas, maraming natutunan sa pagma-manage ng Ex-Battalion.
by Jojo Gabinete
Published Dec 6, 2024
ai-ai delas alas outcast
Ai-Ai delas Alas on advice that she gave to newbie rap group Outcast: “Saka kailangang hindi lumaki ang mga ulo nila, in case na dumating ang time na sumikat sila. Pinayuhan ko sila na, 'Be professional, be humble always. Palaging magdasal and be thankful palagi sa mga magulang ninyo. Anything na matanggap ninyo na blessing,' palaging ang pamilya ang unahin nila para lalo ilang i-bless ni Lord.”
PHOTO/S: GMA-7 / Facebook

Tinutulungan ngayon ni Ai-Ai delas Alas ang rap group na Outcast.

Mga residente ng Dasmariñas, Cavite ang anim na miyembro ng Outcast: sina Karl Gabriel Vadillo, Alexander Cardinal, Jhonwayne Layson, Neil Edrianne Soliva, Reniel Depositor Aras, at RM Flores.

Gumawa sila ng paraan na makilala si Ai-Ai para tulungan silang magkaroon ng puwang sa local music industry.

Read: Ai-Ai delas Alas, maglulunsad ng bagong rap group

ai-ai delas alas outcast
Ai-Ai delas Alas with the members of Outcast
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AI-AI DELAS ALAS'S RECOVERY PERIOD

Inamin ni Ai-Ai na hindi niya agad nabigyan ng panahon ang Outcast dahil sa nangyari sa kanyang personal na buhay.

Lahad niya sa Cabinet Files, “Four months ago pa sila lumapit sa akin. Hindi ko sila masyadong nabigyan ng pansin.

"Una, yung time difference, nasa Amerika ako, nasa Pilipinas sila.

“Saka alam niyo na, huwag na nating pag-usapan.

"Medyo lutang-lutang pa ako kaya hindi ko naintindi yung mga bata until nasa recovery period na ako."

Nagkaroon naman ng positibong resulta ang apat na buwang paghihintay ng Outcast dahil isa sila sa mga pinagtuunan ni Ai-Ai ng pansin habang nasa recovery period ito.

“Inasikaso ko na sila kasi kawawa naman, ilang buwan na naghintay sa akin,” sabi ni Ai-Ai.

Read: Ai-Ai delas Alas “moving forward,” “lumalaban” after breakup

LESSONS LEARNED

Ipinaliwanag ni Ai-Ai ang dahilan ng kanyang pagpayag na tulungan ang Outcast.

Saad niya: “Nung lumapit sa akin yung mga bata, tinanong ko kung ano ang kanta nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Natuwa ako kasi yung kanta nila is about nanay, yung 'W.K.M.M.' [Wag Kang Mag-alala Mama].

“Di ba, yung mga uso ngayon, yung lumalabas sa social media na walang utang na loob ang mga anak sa mga magulang nila dahil hindi naman nila ginusto na ipanganak sila.

“Oo, hindi mo utang na loob, pero kailangang mahalin ninyo ang inyong mga magulang, lalung-lalo na ang mga ina na nagsilang sa inyo.

"At kaya kayo nandito sa mundo, dahil sa mga magulang ninyo."

Ang Ex-Battalion ang unang tinulungan ni Ai-Ai, pero hindi nagtagal ang pamamahala niya sa hip-hop group na nasangkot sa kung anu-anong isyu.

Hindi ba siya natuto mula sa karanasan niya noon bilang manager ng Ex-Battalion?

Paliwanag ni Ai-Ai: “Marami akong natutunan noong nag-manage ako. First time ko naman talaga noon sa Ex-Battalion. Hindi talaga ako marunong mag-manage.

“Ang kaibahan, ang Outcast ang lumapit sa akin.

"Noon kasi, ipinahanap ko ang Ex-Battalion bilang gusto kong sumikat ang kanta ko kasi nga sa buong buhay ko, sa career ko, wala akong sikat na kanta.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Saka hindi naman ako ang nagma-manage sa Outcast, tumutulong lang ako. May manager sila.

"Yung sa akin, tulong lang dahil maganda ang kanilang adhikain sa buhay."

Read: Ai-Ai delas Alas, tuluyan nang binitawan ang Ex Battalion

Dagdag niya: “Siyempre, kapag mga baguhan, tinitingnan ko muna kung ano ba ang puwedeng mangyari sa mga batang ito. Wala pa naman akong nakikita sa kanila na magiging pasaway sila in the future.

“Maganda yung kanta nila, pero siyempre ipo-polish ko pa yung kanilang mga hitsura at ugali. Ipapa-workshop ko sila.

“Saka kailangang hindi lumaki ang mga ulo nila, in case na dumating ang time na sumikat sila.

“Pinayuhan ko sila na, 'Be professional, be humble always. Palaging magdasal and be thankful palagi sa mga magulang ninyo.

"'Anything na matanggap ninyo na blessing,' palaging ang pamilya ang unahin nila para lalo ilang i-bless ni Lord.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on advice that she gave to newbie rap group Outcast: “Saka kailangang hindi lumaki ang mga ulo nila, in case na dumating ang time na sumikat sila. Pinayuhan ko sila na, 'Be professional, be humble always. Palaging magdasal and be thankful palagi sa mga magulang ninyo. Anything na matanggap ninyo na blessing,' palaging ang pamilya ang unahin nila para lalo ilang i-bless ni Lord.”
PHOTO/S: GMA-7 / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results