Peke o imbento lamang ang kumakalat na reaksiyon ng singer na si Rico Blanco tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang ex-girlfriend na si Maris Racal.
Ilang oras matapos ibahagi ni Jamela Villanueva ang mga screenshot ng pribadong pag-uusap ng kanyang dating karelasyong si Anthony Jennings at ni Maris noong gabi ng Martes, Disyembre 3, 2024, agad kumalat sa social media ang diumano’y pahayag ni Rico.
Read: Anthony Jennings, Jamela Villanueva, Maris Racal: The unfinished tale of a messy breakup
Nakasaad dito: “For the record, dati ko pa to alam e. I can feel the change in Maris, naging cold siya nu’ng makatrabaho niya si Toning.
“Maris was really naughty with me, especially when she was alone with me. Everything changed when Toning came into her life. Yung sigla niya na kasama ako, nawala.
“Her playfulness was gone. I don’t know what happened, and I was really confused. That’s when she asked me to let her be free, saying she wanted to explore kasi bata pa raw siya.
"And today, everything finally makes sense. Thank you Jamela. Now I can sleep in peace."
NO STATEMENT FROM RICO
Marami ang napaniwala ng walang katotohanang pahayag na iniuugnay kay Rico.
Para sa kaalaman ng lahat, hindi siya nagsasalita tungkol sa isyu dahil mas pinili niyang manahimik, kahit umiiyak na nag-anunsiyo si Maris sa isang presscon noong Hulyo 12, 2024 tungkol sa paghihiwalay nila ng dating karelasyon.
Read: Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco
Hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Rico, sa pamamagitan ng kanyang manager at PAMI president na si June Rufino, tungkol sa kumakalat umanong statement niya.
Sagot ni Rico sa ipinadala niyang mensahe kay Rufino: “No statement Tita. Fake yan!”
Hindi nagsalita si Rico nang maghiwalay sila ni Maris kaya lalong walang dahilan para magpainterbyu o magbigay siya ng reaksiyon tungkol sa cheating allegations laban sa kanyang ex-girlfriend na ibinulgar ng dating karelasyon ni Anthony.
Read: Maris-Anthony-Jamela-Rico issue, pinagpipistahan ng netizens, advertisers
Huling namataan si Rico ng publiko sa Smart Araneta Coliseum noong Disyembre 3, ilang oras bago inilabas ni Jamela sa social media ang mga screenshot ng private conversations nina Maris at Anthony.
Pinanood niya ang laban sa pagitan ng The Creamline Cool Smashers at Choco Mucho Flying Titans para sa 2024-25 Premier Volleyball League (PBL) All-Filipino Conference.
