Ang Philippine King of Talk na si Boy Abunda ang isa sa mga pinarangalan sa Top Asia Corporate Ball ng Top 10 of Asia Magazine na ginanap sa Grand Hyatt Hotel, Kuala Lumpur, Malaysia, noong Disyembre 3, 2024.
Tinanggap ni Boy ang Southeast Asia’s Top TV Host for 2024.
Read: Boy Abunda writes songs for the LGBTQ community
Itinuturing niya itong isang malaki at pambihirang karangalan kaya lumipad siya sa Malaysia para personal na tanggapin ang parangal sa kanya.

“You don’t get used to receiving awards. It’s always a new experience and I dedicate this sa lahat ng mga kasama ko sa aking trabaho sa GMA-7,” sabi ni Boy tungkol sa iginawad na parangal at pagkilala sa kanya.
“This recognition belongs to our bosses in GMA-7, the men and women behind Fast Talk with Boy Abunda and My Mother, My Story.
“Sa lahat ng mga panauhin na patuloy na nagtitiwala ho sa amin at lahat ng ating mga kababayan na all these years supported all my talk shows, lalung-lalo na po yung aking mga talk show ngayon, maraming-maraming salamat. Thank you, Lord.
“Lahat po ng mga nakakatrabaho ko, sila po ay bahagi ng kuwentong ito. Sabi ko nga sa entablado, I am part of a storytelling community.
"I ask the questions, I research on my interviews and whatever hosting jobs I am given, but I don’t do it alone.
"So I share this recognition with all of you who are responsible for everything I do on television.”
Read: Boy Abunda di natuloy ang pagiging Miss Universe 2023 judge dahil kay Michelle Dee
FUNNY ANECDOTE
Nagkuwento rin si Boy tungkol sa nakakatawa na karanasan sa pagdalo niya sa Top Asia Corporate Ball dahil tinatawag na sa entablado ang kanyang pangalan nang dumating siya sa pinagdausan ng pagtitipon.
“Ang nakakatuwa ho na kuwento dahil wala kaming mga tulog, dumating kami dito sa hotel. The event started at 6 P.M.
“Dumating kami yata mga 3 or 4 P.M., walang tulog, so ang nangyari, I rested for a bit.
"Tapos at about 8:30 P.M., we came down to the ballroom.
"Pagbukas ho ng pintuan, pangalan ko ang tinatawag and I did an interview onstage.
“It’s always fun. I just had a short conversation with the host and after which, I was brought to my table.”
Read: Boy Abunda, wala sa listahan ang maging noontime show host