Hindi kasama sina Maris Racal at Anthony Jennings sa mga artistang dadalo sa grand media day ng pelikulang And The Breadwinner Is... ngayong Huwebes ng gabi, Disyembre 5, 2024.
Pinaniniwalaang epekto ito ng cheating allegations laban sa kanila ni Jamela Villanueva, ang ex-girlfriend ng 24-year-old actor.
Read: Anthony Jennings, Jamela Villanueva, Maris Racal: The unfinished tale of a messy breakup
Ang And The Breadwinner Is... ay ang pelikula ni Vice Ganda na opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Kabilang sa mga miyembro ng cast ang loveteam nina Maris at Anthony.
Makikita sa Facebook post ng The IdeaFirst Company, ang producer ng And The Breadwinner Is..., na wala ang mga pangalan nina Maris at Anthony sa poster ng mga artista ng pelikulang dadalo sa media conference.

Hindi na kailangan ng paliwanag tungkol sa hindi pag-imbita sa presscon ng pelikula kina Maris at Anthony, na unang pagkakataong nagkaroon ng proyekto na kasali sa MMFF.
Negatibo ngayon ang mga imahe nila bunsod ng mga rebelasyon ni Jamela na sinamahan nito ng screenshots ng mga palitan ng mensahe ng mga inaakusahang nanloko sa kanilang mga karelasyon.
Read: Jamela Villanueva, posibleng ireklamo sa paglabag sa Data Privacy Act
Hindi makatutulong sa pelikula ni Vice ang kontroberisyal na isyu na kinasasangkutan nina Maris at Anthony kaya inaasahang pakikiusapan ang mga imbitado sa media conference na huwag nang magtanong tungkol sa dalawa.
MARIS AND ANTHONY TO TAKE A BREAK FROM PROMO
Ang Grand Winners Day (Kickoff and Official Poster Reveal) ng And The Breadwinner Is... na ginanap sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa City, noong Disyembre 1, 2024, ang huling public appearance nina Maris at Anthony.
Sa poster invitation na inilabas ng The IdeaFirst Company, napapagitnaan si Vice ng mga larawan nina Maris at Anthony dahil mahalaga ang partisipasyon ng dalawa sa pelikula.

Sa pagtitipong naganap sa Enchanted Kingdom, sinabi ni Vice na ipinagmamalaki niya ang pelikula nilang para sa buong pamilya na puwedeng panoorin ng mga bata at matatanda.
Nang sabihin ni Maris na magandang Christmas gift para sa pamilya ang pelikula nila, sumagot si Vice ng “Korek at saka makikita ninyo dito yung harutan nina Maris at Anthony.”
Makalipas ang dalawang araw, inilabas ni Jamela sa social media ang mga screenshot ng “mahaharot” na palitan ng mensahe nina Maris at Anthony na naging mitsa para pagpahingahin ang dalawa sa pagpo-promote ng MMFF 2024 movie ni Vice.
Read: Did Vice Ganda react to Jamela Villanueva's exposé on Instagram?