Inanunsiyo ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee na may espesyal na partisipasyon sa Isang Himala ang kapwa niya National Artist na si Nora Aunor.
Si Nora ang bida sa classic at multi-awarded movie na Himala, na naging opisyal na kalahok sa 8th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 1982.
Official entry naman sa 50th MMFF ang Isang Himala, na musical version ng pelikulang pinagbidahan ni Nora apatnapu’t dalawang taon na ang nakalilipas.
Read: Isang Himala producers "hopeful" amid strong competition in MMFF
Ibinalita ni Ricky ang partisipasyon ni Nora sa Isang Himala media conference na ginanap sa isang events place sa Quezon City, nitong Miyerkules ng tanghali, Disyembre 4, 2024.
Pero tumanggi siyang sabihin ang kontribusyon ng Superstar, na maririnig ang boses sa official trailer ng pelikula.
Markado at makahulugan ang voiceover ni Nora sa trailer na “Bayang umaawit ngunit bingi.”
Read: Nora Aunor, Senator Imee Marcos recall stampede scene in 1982 movie Himala

AICELLE SANTOS AS ELSA IN ISANG HIMALA
Si Aicelle Santos ang nagbigay-buhay sa karakter ni Elsa sa Isang Himala.
Itinuturing niyang isang milagro na siya ang napiling magbida sa reimagined version ng pelikula ni Nora.
Ano ang kaibahan ng Isang Himala sa siyam na pelikulang kalahok sa MMFF 2024?
Sagt ni Aicelle: “I think we have something new to offer being the only musical among the ten entries.
"May cultural and historical significance po ang Isang Himala dahil base ito sa classic film ng ating mga National Artist.
“At ano ang chance nito sa box-office? Nangangarap kami na sana talagang panoorin ng marami.
"Actually, tangkilikin nating lahat, pero yun ang baon namin. I think we stand out dahil kami yung katangi-tanging musical.
"We have Direk Pepe Diokno na namuno sa napakagandang pelikula namin, siyempre si Sir Ricky [Lee], the music of Sir Vince de Jesus.
“Isasama ko na yung sarili ko, kasama ko pa ang pinakamagagaling na aktor sa teatro dito sa ating bansa.
"Sana po, makita natin lahat yon."
Read: 50th MMFF entries: comedy, drama, action, horror, at musical

AICELLE'S BIGGEST BREAK
Iginiit ni Aicelle na excitement at hindi pressure ang kanyang nararamdaman para sa Isang Himala, na pinakamalaking break niya sa pelikula dahil siya ang bida.
Sabi ni Aicelle, “Mas gusto kong gamitin ang salitang excited. Mas excited po ako kasi ang hirap isipin yung pressure. Nakakatakot yung word na pressure.
“I just know the feel that if we all enjoyed the process, we all enjoyed the filming of Isang Himala, kung anuman ang outcome nito, alam ko na we all did our best at alam ko na meron kaming mensaheng dala-dala para sa ating manonood.
“And dun namin gustong hugutin yung aming joy and excitement more than the pressure."
Postscript: Ang pumanaw na direktor na si Ishmael Bernal (Setyembre 30, 1938 Hunyo 2,1996) ang direktor, si Ricky Lee ang sumulat ng kuwento, at si Nora Aunor ang pangunahing bida sa Himala.
Pare-parehong hinirang na National Artist for Film and Broadcast Arts sa magkakaibang taon ang tatlo.
Kaya itinuturing na importante sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ang pelikulang ginawa nila at umani ng mga papuri, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa iba’t ibang mga bansa.
Read: National Artist Ricky Lee and his 'love story' with MMFF: "Dun ako nakilala na..."