Ilang araw nang paksa ng beauty pageant fans na may balak umano ang aktres at Miss Universe Philippines 2023 titleholder na si Michelle Dee na sumali sa Miss Grand Philippines 2025.
Kung mananalo, siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Thailand-based Miss Grand International sa susunod na taon.
Read: Michelle Dee will finally receive Voice for Change prize money
MELANIE MARQUEZ GIVES HER OPINION
Tinanong ng Cabinet Files ang ina ni Michelle, ang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez, sa kanyang opinyon tungkol sa kumakalat na balita.
Ayon kay Melanie, narinig na rin niya ang isyu. Pero kung siya ang tatanungin, hindi na kailangan pang sumali ng anak sa ibang beauty pageant.
Pahayag niya: “In my opinion, I don’t think kailangan pa niyang sumali. I think that’s enough for my daughter.
“Nagkaroon na siya ng magandang exposure at experiences sa past contests na sinalihan niya.
"Tama na yung mark na ibinigay niya sa Miss Universe na unforgettable and everybody saw it.
“It was well done. She worked very hard and she deserves more than that.
"But, you know, ang destiny talagang kung hindi para sa yo, hindi para sa yo.
“I have respect to all the contests but, I think, Miss Universe Philippines was enough.
"Nasalihan na rin ni Michelle yung Miss World Philippines noong 2019.”
Read: Melanie Marquez, may ibubunyag sa nasaksihang "milagro" sa Miss Universe 2023 coronation night

MISS INTERNATIONAL TITLE
Pero pabor daw si Melanie na lumahok si Michelle sa Miss International, ang titulong kanyang napanalunan noong 1979.
Saad ng actress-beauty queen: “If you will ask me, mas gusto ko pang salihan niya ang Miss International, susuporta ako. Lahat naman ng mga desisyon ng anak ko, I support.
“I have nothing against Miss Grand Philippines, but I am not familiar with that contest.
“Pero okay sa akin kung sasali si Michelle sa Binibining Pilipinas, prestigious yon.
“Malaki ang ipinagbago ng buhay ko dahil sa Binibining Pilipinas.
"I always look back, yung gratitude ko kay Miss Gloria Diaz kasi ipinaglaban niya ako for Bb. Pilipinas-International title, which hindi naman siya nagkamali.
“Hanggang ngayon, lahat ng events ng Binibining Pilipinas, pinupuntahan ko.
"Ang Binibining Pilipinas naman, prestigious organization yan. Subok na at saka we do a lot of charity works.
"Si Mrs. Stella Araneta, she did a lot of good things for us.”

IF MELANIE WERE NOT A BEAUTY QUEEN...
Tinanong ng Cabinet Files si Melanie kung ano ang posibleng propesyon niya ngayon kung hindi siya naging beauty queen at artista.
Sagot niya, “Kung hindi ako naging beauty queen, lawyer ako, a very good lawyer.
"Batikang lawyer, baka kinatatakutan na lawyer dahil maka-masa ako.”
Hindi man natupad ang pangarap maging lawyer, nagkaroon naman siya ng American husband na Lawyer ang apelyido at abogado ang propesyon.