PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Russian actress, patay matapos tangayin ng alon habang nagyo-yoga

Mga huling sandali ng Russian actress, nakunan sa video.
by Jojo Gabinete
Published Dec 3, 2024
russian actress kamilla belyatskaya
Russian actress Kamilla Belyatskaya was swept to her death by a giant wave while filming yoga on on a scenic cliff at Laad Koh viewpoint in Surat Thani, Thailand.
PHOTO/S: Twitter

Nakunan ng CCTV ang pagtangay ng malalaking alon sa 24-year-old Russian actress na si Kamilla Belyatskaya habang nagpapraktis ng yoga sa ibabaw ng batuhan ng Laad Koh viewpoint sa Bo Phut District, Surat Thani, Thailand, noong Nobyembre 29, 2024.

Ilang araw matapos matagpuan ang bangkay ni Kamilla, lumitaw ang mga video footage na kuha ng ibang mga turista na nasaksihan ang paglamon ng alon sa nalunod na Russian actress at ang pag-anod ng tubig dagat sa kanyang lumulutang na pink yoga mat.

Read: Korean actor Song Jae Rim dies at 39

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna nang lumabas ang CCTV footage ng pagdating ni Kamilla sa naturang lugar, bitbit ang pink mat para mag-yoga sa batuhan.

Sinundan ito ng paglitaw ng mga video ng pagtangay sa kanya ng malalaki at nagngangalit na alon habang gimbal na gimbal na nakatingin ang mga nabiglang saksi.

russian actress swetp by giant waves
Photo/s: Twitter
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinangka ng rescue team na iligtas si Kamilla pero nabigo sila dahil naging malaking problema sa kanila ang mga along dalawa hanggang tatlong metro ang taas.

Read: Pagkahulog ni Liam Payne sa hotel balcony, nakunan ng CCTV

SCHEDULED TO BE MARRIED

Kasama ni Kamilla sa pagbabakasyon sa Thailand ang kanyang fiancé na si Grigorii Anokhin, na labis ipinagluluksa ang pagkawala ng kasintahan.

Nakatakda sanang magpakasal sina Kamila at Grigorii sa Russia sa ikalawang linggo ng Disyembre 2024.

Inilahad ni Grigorii na hindi niya alam na pupunta si Kamilla sa Lad Koh viewpoint para mag-yoga dahil maglalaro ng tennis ang paalam sa kanya ng girlfriend.

Nalaman lamang niya sa social media ang nangyari kay Kamilla kaya nagpunta agad siya sa pinangyarihan ng sakuna para tumulong sa paghahanap sa kasintahan.

Nagbigay ng pahayag sa media ang pinuno ng Samui Rescue Center na si Chaiyaporn Subprasert.

“During monsoon season, we constantly warn tourists, especially at high-risk areas like Chaweng and Lamai beaches, where red flags indicate no swimming.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“While the incident location isn’t a swimming area but rather a viewpoint for scenery, the victim may have been caught off guard by the unexpected wave surge,” pahayag ni Subprasert.

Bago naganap ang malagim na trahedya, nag-post pa si Kamilla ng video sa social media habang sinasabi niya ito:

“I love Samui so much. But this place, this rocky beach is the best thing I've ever seen in my life. Thank you, universe, for me being here right now. I'm very happy. I'm happy!”

Read: Lisa Marie Presley, itinago ang bangkay ng anak nang two months

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Russian actress Kamilla Belyatskaya was swept to her death by a giant wave while filming yoga on on a scenic cliff at Laad Koh viewpoint in Surat Thani, Thailand.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results