PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA News reporter, sinigawan matapos interbyuhin si Pia Wurtzbach

DOH representative, pinabubura umano ang interview ng GMA News reporter kay Pia.
by Jojo Gabinete
Published Dec 2, 2024
pia wurtzbach reporter
A DOH representative allegedly called out a GMA Integrated News reporter after his interview with former Miss Universe Pia Wurtzbach (left) at a Department of Health-sponsored event in Pasig City on December 1, 2024.
PHOTO/S: Instagram / Canva

Nagkaroon ng hindi magandang karanasan ang isang GMA Integrated News reporter nang imbitahan siya sa Department of Health-sponsored World’s AIDS Day event na ginanap sa Pasig City noong Linggo, Disyembre 1, 2024.

Pinangunahan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagtitipon dahil siya ang ambassador ng LoveYourself, isang community of volunteers na nagbibigay ng free HIV testing, counseling, treatment, at life coaching sa Pilipinas.

Read: The story behind Pia Wurtzbach's auction of Miss Universe items

Nagkaroon ng pagkakataon ang GMA News reporter na makapanayam si Pia.

Pero ilang minuto matapos ang pag-uusap nila, ipinatawag ang reporter ng isang kinatawan ng DOH.

Ayon sa isang saksi na nakausap ng Cabinet Files, nagulat ang GMA News reporter dahil bigla umano itong pinagtaasan umano ng boses ng kinatawan ng DOH.

Sinumbatan umano ng DOH rep ang reporter na hindi raw niya ito binigyan ng permisong interbyuhin si Pia.

Read: BLIND ITEM: Bata, bata, sino ang iyong ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DOH REP ALLEGEDLY WANTS GMA NEWS REPORTER TO DELETE INTERVIEW WITH PIA

Sa mataas at galit na tono ng boses, pilit din umanong ipinabubura ng DOH representative sa GMA News reporter ang video ng panayam nito sa dating beauty queen.

Pero hindi nagpasindak ang GMA News reporter.

Malumanay itong nangatuwiran at hindi niya binura ang video ng kanyang interbyu kay Pia.

Hindi naman malinaw kung ano eksakto ang dahilan kung bakit pinabubura ng kinatawan ng DOH ang video ng interview ng reporter kay Pia.

Marami ang nadismaya sa inasal ng kinatawan ng DOH.

Bilang empleyado ng isang government agency, dapat magpakita ng magandang halimbawa ng kagandahang-asal ang kinatawan ng DOH, na nagawa umanong pagtaasan ng boses at hiyain ang isang high-profile news reporter.

Dapat ipaalaala sa lahat ng mga empleyado ng pamahalaan na ang mamamayang Pilipino ang kanilang pinaglilingkuran kaya mahalagag matuto silang igalang ang bawat isa.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng mga sangkot sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: TV personality, walang tumatagal na personal assistant

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A DOH representative allegedly called out a GMA Integrated News reporter after his interview with former Miss Universe Pia Wurtzbach (left) at a Department of Health-sponsored event in Pasig City on December 1, 2024.
PHOTO/S: Instagram / Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results