PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mercy Sunot, pauwi na; binigyan ng tribute sa Wil To Win show

Willie Revillame: “Mga okasyon na meron ako na hindi sila nagpapabayad sa akin."
by Jojo Gabinete
Published Dec 1, 2024
mercy sunot pays tribute to willie revillame
Bago iuwi ang mga labi ni Mercy Sunot, nagbigay ng tribute si Willie Revillame sa show niyang Wil To Win.
PHOTO/S: Screen Grab from Wil to Win

Inaasahang maiuuwi mula sa San Francisco, California, anumang araw sa linggong darating, ang bangkay ni Mercy Sunot, ang lead vocalist ng Aegis Band na pumanaw noong Nobyembre 17, 2024, dahil sa breast at lung cancer.

Pitong buwang namalagi si Mercy sa U.S. para sa kanyang cancer treatment, pero binawian siya ng buhay sa edad na 48.

Plano ng naulilang pamilya niya na iburol ang mga labi ng singer sa bayan nila sa Carmona, Cavite.

Nagpapasalamat at tumatanaw din ng utang na loob ang mga miyembro at manager ng Aegis Band kay Willie Revillame dahil isa ito sa mga unang nakiramay nang pumanaw si Mercy.

Read: Mercy Sunot, lead vocalist of Aegis, dies of cancer at 48

WILLIE, NAGBIGAY-PUGAY KAY MERCY AT SA AEGIS BAND

Bukod sa personal na pagtawag sa kapatid ni Mercy na si Juliet Sunot, isang tribute para sa namayapang mang-aawit ang inialay ni Willie sa live telecast ng Wil To Win noong Biyernes, Nobyembre 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magbibigay-pugay tayo sa isang banda, sa isang tao na kumbaga ay nandiyan sa ating mga tenga yung mga kanta na pinasikat ng Aegis,” ang umpisang pahayag ni Willie tungkol sa tribute ng kanyang programa kay Mercy at sa Aegis.

“Last week po ay pumanaw na po si Miss Mercy Sunot, isa po sa miyembro ng Aegis. Ako po ay nagpaalam sa kanilang manager at sa kanyang kapatid na magbibigay kami ng tribute ngayong araw na ito.

“Alam ninyo, malapit sa akin ang bandang ito. Noong nasa ABS-CBN pa ako, every time na meron akong okasyon, palagi silang uma-attend.

“Birthday ko, mga okasyon na meron ako na hindi sila nagpapabayad sa akin. Napalapit sila sa akin kasi napaka-simpleng mga tao.

“Ang hinihingi lang nila, isang kuwarto. Hindi sila puwedeng lumabas. Nahihiya po raw sila. Napaka-humble po ng grupong ito.

“Ngayong araw na ito, magbibigay tayo ng pugay sa bandang ito especially kay Ms. Mercy Sunot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming salamat, binigyan mo kami ng inspirasyon at ang mga bata na gusto kang gayahin, binigyan mo ng inspirasyon,” ang lahad ni Willie.

Kinanta ng Wil To Win discoveries na sina Jheramae Trangia, Aira Irabon at Carmela Lorzano ang mga hit songs ng Aegis.

Read: Mercy Sunot: Her life in and outside of Aegis

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago iuwi ang mga labi ni Mercy Sunot, nagbigay ng tribute si Willie Revillame sa show niyang Wil To Win.
PHOTO/S: Screen Grab from Wil to Win
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results