PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dalawang bad news sa mundo ng telebisyon

Weekly show ng sikat ng artista, hindi na matutuloy.
by Jojo Gabinete
Published Nov 26, 2024
blind item tv show
PHOTO/S: Canva

Dalawang malungkot na kaganapan sa mundo ng telebisyon ang nakatakdang mangyari.

Una, mukhang hindi na matutuloy ang weekly show ng isang popular entertainment personality.

Pangalawa, isang araw na lamang mapapanood ang isang daily television program.

Read: Comedian nanliit matapos magpa-selfie sa member ng sikat na grupo

Buo na ang konsepto para sa bagong programa na pangungunahan ng sikat na entertainment personality pero nanganganib na hindi na ito mapanood dahil sa mga hindi pagkakaunawaan ng mga sangkot sa produksyon.

Maselan at lumalalim na ang mga usapin sa pagitan ng mga may kinalaman sa binubuo na programa ng popular showbiz personality.

Kung hindi sila magkakasundo, malaki ang posibilidad na hindi na lamang ituloy ang proyekto na may potensyal na tangkilikin ng manonood.

Read: Male personality, binawi ang luxury car na ibinigay sa aktres

FROM DAILY TO ONCE A WEEK

Ang mababa namang ratings ang dahilan kaya pinag-aaralan ng pamunuan ng TV network na ipatupad ang once-a-week telecast ng isang daily show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang lumilipas ang araw, lalong sumasadsad ang ratings ng programa.

Kung tutuusin ay puwede na itong isara pero masuwerte pa rin ang production staff dahil imbes na tuluyan sila na mawalan ng trabaho, binabalak ng management na gawing once a week na lamang ang TV show na hindi sinusuportahan ng televiewers at advertisers.

Read: BLIND ITEM: Production executive ng TV show, bakit nag-resign?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results