PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Betong Sumaya, binalikan ang malungkot na bahagi ng kanyang buhay

Kabaong ng pumanaw na ama, mas maliit ang sukat dahil sa kakulangan ng budget.
by Jojo Gabinete
Published Nov 22, 2024
betong sumaya fast talk
Betong Sumaya, on his guesting in Fast Talk With Boy Abunda, recalls the passing of his father when they almost had no money.
PHOTO/S: GMA Network

Hindi na maalaala ni Betong Sumaya ang taon na nawala ang kanyang ama, pero natatandaan ng Kapuso comedian na Enero 19 ang petsa nang bawian ng buhay ang tatay niya.

Alberto Sumaya Jr. ang tunay na pangalan ni Betong.

Siya ang junior ng tatay niya na hindi na naabutan ang kanyang pagpasok sa showbiz at pagginhawa ng buhay.

Read: Betong Sumaya gets emotional after Alden Richards bought P40K worth of his items

Bago naging artista si Betong, nagtrabaho siya bilang segment producer ng The Probe Team, ang documentary show noon ng GMA-7.

Hindi kalakihan ang suweldo ni Betong bilang segment producer kaya nang mamatay ang tatay niya, maliit na kabaong lamang ang nakayanan nilang bilhin ng kanyang pamilya.

Kuwento niya, “That time po kasi, parang nasa production po ako and then, my father passed away sa probinsya.

“Pero siyempre, ang suweldo as segment producer, parang sakto lang. Wala po kaming choice kundi ang ilagay siya sa kabaong na hindi siya kasya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Betong Sumaya, home alone ngayong quarantine

BETONG SUMAYA'S FATHER CASKET

Bahagyang nagulat si Betong dahil hindi niya inaasahang itatanong sa kanya ni Boy Abunda ang isang malungkot na bahagi ng buhay niya sa guesting nila ni Chariz Solomon sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 22, 2024.

chariz solomon betong sumaya fast talk
Chariz Solomon and Betong Sumaya on Fast Talk With Boy Abunda
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ng lola ko, bakit sagad na sagad yung ulo ng tatay ko sa kabaong. Sinabi kasi na yun lang ang kasya sa budget ng family namin,” pagpapatuloy na lahad ni Betong tungkol sa kabaong na pinaglagyan sa kanyang ama na hindi sukat sa katawan ng nasawi.

Ikinuwento ni Betong na dahil sa kakulangan ng pera, mahirap para sa pamilya nila na bumili ng mas mahal na kabaong na kakasya ang katawan ng tatay niya.

“Kung meron lang kaming means na makabili ng mas malaking kabaong na magkakasya si Tatay, may choice po sana kami, kaya lang wala kaming choice that time.

“Ipinagpe-pray ko po na sana naiintindihan ni Tatay,” sabi ni Betong, na pinigilan ang pagpatak ng luha.

Read: Nanay ni Betong Sumaya, nakalaban noon ni Nora Aunor sa amateur singing contests

SIPAG AT TIYAGA

Makulay at maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Betong.

Dala ng kahirapan, naranasan din niyang mag-uwi ng mga catsup at gravy mula sa mga fastfood restaurant dahil ito ang ginagawa niyang ulam sa kanin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dala ng kasipagan, pagtitiyaga at kabutihan ng loob, unti-unting guminhawa ang pamumuhay ni Betong.

Nakaipon siya ng pera, nakabili ng sariling condominium unit, at hindi nawawalan ng mga TV show dahil marunong makisama.

Hindi kinalilimutan ni Betong ang pinagmulan niya at mga kahirapan na natikman noon kaya nananatili siyang mabuti sa kapwa — isang aral na dapat matutunan ng mga baguhan at mabilis lumaki ang ulo na showbiz personality na kanyang nakasasalamuha.

Read: Beteranong comedian, nanliit matapos magpa-selfie sa singer mula sa isang sikat na grupo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Betong Sumaya, on his guesting in Fast Talk With Boy Abunda, recalls the passing of his father when they almost had no money.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results