Hindi malilimutan ng isang komedyante ang karanasan nito sa isang miyembro ng sikat na grupo ng mang-aawit na nakasalamuha niya sa condominium building na kapwa nila tinitirhan.
Beterano na ang komedyante sa entertainment industry dahil nag-umpisa ang kanyang television career noong 1998.
Mabait at mahusay makisama ang komedyante na likas palabati sa lahat ng mga tao.
Read: TV show, nanganganib mawala sa ere dahil sa usaping pera
Pero hindi siya makapaniwala sa naging trato sa kanya ng mang-aawit na nilapitan at kinausap niya dahil nasa iisang industriya nga sila.
Nagpakilala ang komedyante — kahit imposibleng hindi siya kilala ng kanyang kausap dahil hindi siya nawawalan ng TV show — at humiling siya ng selfie photo.
Nagpaunlak ang mang-aawit na magpakuha ng larawan na kasama ang komedyante.
Pero nagsuot ng face mask ng mang-aawit at pagkatapos ng selfie photo nila, sinabi niyang hindi puwedeng i-post ng komedyante sa social media ang kanilang litrato.
Read: TV personality, spotted kasama ang maimpluwensiyang tao
SINGER STILL HAS A LOT TO LEARN
Nagulat ang komedyante sa inasal at sinabi ng mang-aawit na popular sa kasalukuyan at tila feeling international celebrity.
Ang mga kaibigan at nagmamalasakit sa komedyante ang nagalit sa magaspang na pag-uugaling ipinakita ng mang-aawit, na tila malaking-malaki na ang ulo dahil nakatikim ng pansamantalang kasikatan.
Sinabi ng komedyante sa Cabinet Files ang pangalan ng mang-aawit.
Maraming aral pa ang dapat matutunan ang mang-aawit kung gusto niyang manatili nang matagal sa entertainment industry.
Walang puwang dito ang mga personalidad, lalo na ang mga baguhang hindi marunong makisama at magbigay ng respeto sa mga artistang mas matagal na sa industriya at maging sa kapwa.
Sa susunod na magpang-abot ang dalawa sa elevator ng condominium building na kanilang tinutuluyan, siguradong hindi na babatiin ng komedyante ang singer para hindi na maulit ang nakapangliliit ng pagkataong karanasan niya.
Read: Male personality, binawi ang luxury car na ibinigay sa aktres