PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas, maglulunsad ng bagong rap group

Ai-Ai delas Alas, ginagawang productive ang sarili matapos hiwalayan ng asawa.
by Jojo Gabinete
Published Nov 19, 2024
ai-ai delas alas rapping
Ai-Ai delas Alas is set to launch a new rap group, named Outcast, composed of seven members from Dasmarinas, Cavite.
PHOTO/S: GMA Network

Ang pagtulong sa Outcast ang isa sa mga pinagkakaabalahan ni Ai-Ai delas Alas matapos ang pag-amin nito sa publiko na hiniwalayan siya ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan

Ang Outcast ang bagong rap group na binubuo ng pitong kabataang lalaki na pawang mula sa Dasmariñas, Cavite.

Nagdesisyon si Ai-Ai na tulungan ang Outcast dahil nagustuhan niya ang mga kanta na nililikha ng grupo na kapupulutan ng aral at tungkol sa pagmamahal sa mga ina ang tema.

Pahayag ni Ai-Ai sa Cabinet Files: “Mga taga-Cavite sila at pinahanap ko sila dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga nila sa mga magulang sa pamamagitan ng kanilang mga kanta.

“Ginawa nila ang kanta bilang pasasalamat sa mga magulang lalo na sa mga ina nila na parating gumagabay sa kanila.

“Di ba, karamihan sa mga rapper, parang tungkol sa mga problema at karelasyon ang mga kanta nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kakaiba ang Outcast dahil pagbibigay-pugay sa mga ina at magulang ang mga kanta na kanilang ginagawa.

“Magsu-shoot kami ng music video para mapakinggan na ng mga tao ang kanta nila,”

Nakatakdang ipakilala ni Ai-Ai sa publiko ang Outcast bago matapos ang Nobyembre 2024.

Read: Ai-Ai delas Alas assures fans she "will be fine" after breakup

MOVING FORWARD AFTER BREAKUP

Ikinuwento ni Ai-Ai na tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang umpisahan niya ang pagtulong sa Outcast, pero naudlot ito dahil naging abala siya sa mga showbiz commitment at sa pabalik-balik na biyahe niya sa Pilipinas at Amerika.

Nagkaroon ng panahon si Ai-Ai na ipagpatuloy ang pagsuporta niya sa Outcast nang iwanan siya ng kanyang asawa.

Imbes na magmukmok, ginamit niya ang malungkot na karanasan para bumangon at maging productive sa pamamagitan ng pagtulong sa mga aspiring artist.

Nauna nang nag-enroll si Ai-Ai sa dance lesson. Kasama rin sa mga siguradong plano niya ang voice lesson at taekwondo training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi umano ito ng pagbangon niya mula sa mga pagsubok na nagbukas sa kanyang isip at mata para lalong mahalin at pahalagahan ang sarili.

Read: Ai-Ai delas Alas “moving forward,” “lumalaban” after breakup

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas is set to launch a new rap group, named Outcast, composed of seven members from Dasmarinas, Cavite.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results