Mula sa 50,000 Instagram followers, mahigit sa 300,000 at patuloy na tumataas ang bilang ng mga tagasubaybay ni Victoria Kjaer Theilvig mula nang koronahan siya bilang 73rd Miss Universe.
Read: Miss Denmark wins Miss Universe 2024
Ang pagtaas ng bilang ng Instagram followers ni Victoria ang resulta ng kanyang tagumpay sa Miss Universe 2024, na ginanap noong Nobyembre 16, 2024 sa Mexico City, Mexico.

Nakatadhana si Victoria na maging kauna-unahang Miss Universe mula sa Denmark dahil appointed candidate lamang siya ng Miss Denmark Organization.
Read: Miss Universe 2024 winning answer
Si Victoria ang ipinalit kay Miss Universe Denmark 2024 Emma Heyst na tumangging sumali sa 73rd Miss Universe dahil sa kakulangan ng preparasyon.
Kapwa 21 years old old sina Victoria at Emma.
- Details of Chelsea Manalo's Miss Universe 2024 finals evening gown
- Jojo Bragais nilinaw ang Miss Universe 2024 pasarela issue
- Miss Universe 2024 judge Michael Cinco binabatikos ng Pinoy fans
MISS GRAND INTERNATIONAL STINT
Second runner-up si Victoria sa Miss Denmark 2021.
At noong Oktubre 2022, siya ang ipinadala ng kanyang bansa sa 10th Miss Grand International na idinaos sa Bogor, West Java, Indonesia.
Ang Philippine representative na si Roberta Tamondong ang isa sa mga nakatunggali ni Victoria sa 10th Miss Grand International, pero parehong hindi nanalo ang dalawa.

Nakatulong kay Victoria ang mga karanasan nito sa Miss Denmark 2021 at sa 10th Miss Grand International sa pagsali sa 73rd Miss Universe, sa kabila ng kakulangan ng panahon sa kanyang paghahanda.
Incidentally, mga Thai businessman ang may-ari ng mga international pageant na sinalihan ni Victoria. Si Nawat Itsaragrisil ang founder at presidente ng Miss Grand International Organization, samantalang si Anne Jakrajutatip ang current owner ng Miss Universe Organization.
Hindi masyadong obsessed ang mga Dane sa mga beauty pageant kaya ilang oras muna ang lumipas bago ibinalita ng mga pahayagan sa Denmark ang tagumpay ni Victoria sa 73rd Miss Universe.
miss universe 2024 sidelights
Second runner-up sa Miss Universe 2024 si Maria Fernanda Beltran ng Mexico, na malaki ang tsansang manalo pero sumablay sa kanyang sagot sa Q&A.
Ilang buwan bago siya lumaban sa 73rd Miss Universe, isang manghuhula ang nagsabi kay Beltran na magiging Miss Universe siya—isang pruweba na hindi dapat pinaniniwalaan ang mga hula.

Madilim ang ilaw sa entablado ng 73rd Miss Universe kaya halos hindi maaninaw ang mukha ni Sheynnis Palacios sa farewell walk nito.
Si Palacios ang 72nd Miss Universe na hindi binigyan ng pagkakataon na makauwi sa Nicaragua mula nang manalo siya noong Nobyembre 18, 2024, dahil sa mga political issue sa kanilang bansa, kaya hindi pa rin kumpleto ang kanyang tagumpay.

Trending sa social media si Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip sa ilalim ng #Halu dahil sa kanyang pagsasalita sa entablado para mabigyan lamang siya ng sariling eksena.
Nananatiling hindi popular si Jakrajutatip sa beauty pageant fans dahil sa kanyang pamamalakad sa Miss Universe Organization at sa mga paratang na pinaiiral niya ang pagkakaroon ng mga paborito, lalo na sa kandidata mula sa bansa niya, ang Thailand.