Superstar Filipino fashion designer ang pakilala kay Michael Cinco, ang nag-iisang Pilipino na miyembro ng selection committee ng 73rd Miss Universe na kakatapos ganapin sa Mexico City.
Read: Miss Denmark wins Miss Universe 2024
Pero iba ang tingin sa kanya ng rabid Pinoy beauty pageant fans na siya ang sinisisi sa hindi pagpasok ni Chelsea Manalo sa Top 12 candidates ng nabanggit na patimpalak.
Read: Chelsea Manalo fails to enter Top 12 of Miss Universe 2024
"Hindi nailaban ni Cinco si Manalo; Michael Cinco please explain, bakit hindi mo naman tinaasan ang score; huwag naman sana singko ang ibinigay mo na score kay Chelsea," ang ilan sa mga hindi makatarungan na batikos laban kay Cinco ng netizens na hindi matanggap ang pagkatalo ng kinatawan ng Pilipinas.
Sabi pa ng iba: "Be like Marian Rivera; at huwag nang tangkilikin ang mga gown ni Cinco."
Read: Miss Universe 2024 winning answer



MICHAEL CINCO AND MARIAN RIVERA
Pinagkukumpara ng mga dismayadong netizens sina Cinco at Marian Rivera, na miyembro ng selection committee sa 70th Miss Universe na ginanap sa Eilat, Israel noong Disyembre 13, 2021.
Gaya ni Cinco, si Marian ang nag-iisang Pilipino na hurado sa 70th Miss Universe noon.
At marami ang nagsasabi na nakatulong nang malaki ang kanyang boto kaya nakabilang sa Top 5 candidates ang kinatawan noon ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.
Read: Details of Chelsea Manalo's Miss Universe 2024 finals evening gown
MICHAEL CINCO JUST ONE OF THE JUDGES
May mga nagtatanggol kay Cinco, pero higit na nangibabaw ang makitid na pang-unawa ng Pinoy beauty pageant fans na bumabatikos sa kanya.
Nakalimutan nila na isa lamang ang sikat na international fashion designer sa labingtatlong miyembro ng selection committee.
At kung siya lamang ang masusunod, tiyak na gusto niya na magkaroon ng puwesto si Manalo sa 73rd Miss Universe pero marami ang nakahihigit na kandidata sa Filipina beauty queen.