Hindi ipinagkaila ni Wilbert Ross na na-intimidate siya sa unang pagsasama nila ni Nadine Lustre sa pelikula, sa pamamagitan ng Nokturno.
Pero nawala ang kanyang mga agam-agam dahil napatunayan daw niyang mabait, magaan at mahusay na katrabaho ang aktres.
Ang Nokturno ang Pinoy folklore horror movie na mula sa direksiyon ni Mikhail Red .
Palabas sa Amazon Prime Video ang Nokturno mula pa noong Oktubre 31, 2024, pero nagkaroon io ng special screening sa Gateway Mall 2 Cinema ngayong Biyernes ng gabi, Nobyembre 15.
Read: Nadine Lustre at Bea Binene, magsasama for the first time sa horror movie na 'Nokturno'

WILBERT ROSS ON NADINE LUSTRE
Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Wilbert bago nag-umpisa ang screening ng Nokturno.
Natatawa siyang nagkuwento tungkol sa mga karanasan niya sa pakikipagtrabaho kay Nadine sa set ng kanilang pelikula.
“Hindi ko alam sa kanya pero palagi siyang natatawa sa mukha ko.
"Kung makikita ninyo ang mga BTS [behind the scene], kapag nagtitinginan kami, parang nagpipigil siya tapos tumatawa talaga siya.
“Sinasabi niya, nakakatawa raw talaga ang hitsura ko. Hindi ko alam kung nakakatawa ba talaga ang hitsura ko.
“At first, na-intimidate ako sa kanya pero super cool niya. Game na game siya, kinakausap niya ako.
"Nagkaroon pa ako ng video na parang niloloko ko siya sa isang kanta na pina-video ko siya, ‘Ate pa-video nga.”
Read: Wilbert Ross, umpisa na ng rebranding; titigil na sa paghuhubad sa Vivamax
NOKTURNO
Ang Nokturno ang isa sa mga pelikulang ginawa ni Wilbert matapos ng kanyang deklarasyong hihinto na siya sa pagtanggap ng mga proyekto para sa Vivamax.
Sinabi ni Wilbert na pinaghandaan nitong mabuti ang karakter na ginampanan niya sa Nokturno dahil para sa kanya, isang malaking karangalan na makatrabaho sina Nadine at Mikhail.
Saad niya, “Ang alam ko, sinipagan ko.
"The moment na nalaman ko ang role ko, weeks na preparation talaga ang ginawa ko.
"Nag-research ako, nag-Google kung paano yung mga hitsura kapag nangyari sa yo ang mga ganitong bagay.
“Pinraktis ko ang mata ko, 24/7 [na dilat] kasi singkit ako."

Dagdag niya: "Nag-prepare talaga ko for Nokturno kasi it’s a Mikhail Red film tapos si Nadine pa yung kasama ko.
“It’s an honor na mapasama ako sa movie. Di ba, out of nowhere from comedy movies, biglang ibinato ako sa isang heavy project?
“Ito yung medyo malaking role na ibinigay sa akin, as in zero, negative comedy talaga.
"Siguro, ito yung chance ko na mapatunayan ko ang sarili ko not I am not just a comedian na patawa lang.
"Siyempre, artist talaga ako. Minamahal ko ang art at craft ko."