PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anak na babae ni Ai-Ai delas Alas, may hamon kay Chloe San Jose

Ai-Ai delas Alas, hindi papatulan ang patutsada ni Chloe San Jose.
by Jojo Gabinete
Published Nov 14, 2024
ai-ai sohia delas alas vs chloe san jose
Sophia delas Alas (right photo, with mother Ai-Ai delas Alas) to Chloe San Jose: "I-public mo naman yung post mo regarding my mom kung matapang ka talaga. Haha."
PHOTO/S: Instagram

Nakatitiyak si Chloe San Jose na hindi papatulan o sasagutin ni Ai-Ai delas Alas ang patutsada nito sa kanya sa social media.

Nitong mga nakalipas na araw ay kumalat online ang screenshot ng komento ni Chloe matapos lumabas ang balitang kumpirmadong hiwalay na si Ai-Ai sa mister nitong si Gerald Sibayan.

Nakasaad sa shared post ni Chloe: "Back to you mamang, hindi para pagtawanan ang sitwasyon mo pero ang ginagawa mo sa iba ay babalik din sa'yo ng 10x ‍—it's just the universe's law."

Read: Chloe San Jose takes a swipe at Ai-Ai after split from Gerald

Ayon sa Reddit, naka-"friends of friends" umano ang post na ito ng girlfriend ni Carlos Yulo kaya hindi ito makikita ng mga hindi niya friend at pina-follow sa Facebook.

Pero hindi ito sasagutin ni Ai-Ai.

AI-AI HINDI PAPATULAN SI CHLOE

Una, hindi nagbanggit si Chloe ng pangalan ng taong tinutukoy niya. Kahit na may screenshot ng artikulo tungkol sa hiwalayan nina Ai-Ai at Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ai-Ai delas Alas, hiwalay na sa asawang si Gerald Sibayan

Chloe San Jose fires back at Ai-Ai Delas Alas
Photo/s: Screengrab @Facebook

Pangalawa, magkaibang-magkaiba ang isyu dahil maganda ang intensiyon ni Ai-Ai sa unsolicited advice nito kay Chloe — na igalang ang ina ng kanyang boyfriend na si Carlos noong panahong pinagpipistahan ng publiko ang hidwaan nina Chloe at Angelica Yulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng payo ni Ai-Ai kay Chloe: “Kasi nanay yan, e. Kung wala yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya, girl, huwag mo siyang aawayin.

"Tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang. Kapag asawa ka na, puwede na. Pero kapag girlfriend pa lang girl, huwag mo munang awayin.

"Kasi alam mo naman ang mga mommy, di ba? Isa yan sa mga way na magiging harmonious ang inyong relationship."

Read: Ai-Ai delas Alas, proudly Team Nanay sa Pamilya Yulo family feud

Pero hindi maitatangging gaya ni Angelica, nakaranas ng “disrespect” si Ai-Ai nang tapusin ng kanyang asawang si Gerald ang kanilang sampung taong relasyon sa pamamagitan lamang ng text message.

Nakasaad sa test message ni Gerald na hindi na siya masaya at gusto na niyang magkaroon ng anak.

Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan

Para sa mga netizen na nakikisimpatiya kay Ai-Ai, hindi umano nagkakalayo ang mga ugali nina Chloe at Gerald.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

AI-AI'S DAUGHTER SOPHIA MESSAGE TO CHLOE

Hindi man pinatulan ni Ai-Ai ang pasaring ni Chloe, hindi ito pinalampas ng nag-iisang anak na babae ng Comedy Queen na si Sophia delas Alas.

Kilala si Sophia na palaban, matapang, at hindi papayag na maagrabyado ang nanay niya.

ai-ai delas alas daughter sophia
Ai-Ai delas Alas (right) and daughter Sophia
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tulad ng girlfriend ni Carlos, Inglesera si Sophia na matapang na hinamon si Chloe na isapubliko nito ang social media post na pinaniniwalaan niya na para sa kanyang ina.

Sinabi ni Sophia sa mensahe na ipinadala nito kay Chloe: “I-public mo naman yung post mo regarding my mom kung matapang ka talaga. Haha.

“Girlfriend ka LANG naman talaga so why do you find that offensive?

"Lol, wag lang kita makita sa Manila baka ako naman ang magdala sayo ng karma, girl."

Read: Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera's daughter Sophia marries fiancé in a civil ceremony in Los Angeles

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sophia delas Alas (right photo, with mother Ai-Ai delas Alas) to Chloe San Jose: "I-public mo naman yung post mo regarding my mom kung matapang ka talaga. Haha."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results