Nadagdagan na ang listahan ng mga makabagbag-damdamin at walang kamatayang OPM Christmas song tulad ng "Miss Kita Kung Christmas" (1977) ni Susan Fuentes, "Pasko Na Sinta Ko" (1982) ni Gary Valenciano, at ang "Sana Ngayong Pasko" (1993) ni Ariel Rivera.
Ang bagong dagdag sa listahan ay ang "Pinili Mo Pang Lisanin Ako ng Pasko," ang awit na komposisyon ng TV director at creative manager na si Willy Cuevas.
Read: Jose Mari Chan gets emotional singing Christmas In Our Hearts
Ang ginawang inspirasyon ni Willy sa Christmas love song na nilikha niya ay ang karanasan sa kanyang nililigawang babae noong dekada '80 at high school student pa siya.
Inilahad ni Willy ang kasaysayan ng "Pinili Mo Pang Lisanin Ako ng Pasko" sa eksklusibong pakikipag-usap niya sa Cabinet Files.
Lahad niya: “Matagal na ang kanta na yan, since nasa high school pa lang ako. Na-experience ko ‘yan sa isang nililigawan ko.
“Magpa-Pasko nang sabihin niya noon sa akin na ayaw na niya.
“The title is in my mind since high school student ako but last June 2024 ko lang talaga naupuan para isulat.
“Mahilig kasi akong gumawa ng kanta during the pandemic using my piano.”
Naging inspirasyon ni Willy ang kakaibang dating sa kanya ng Pasko sa desisyon niyang isulat ang "Pinili Mo Pang Lisanin Ako ng Pasko."
Read: Ronnie Liang dedicates new Christmas song to late mother
TJ VALDERRAMA SINGS "PINILI MO PANG LISANIN AKO NG PASKO"
Ipinaawit ni Willy sa comedian at host na si TJ Valderrama ang kanyang Christmas love song composition na may kurot sa puso.
Si TJ ay isa sa mga talent ng asawa ni Willy, ang talent manager na si Ruby Brillo Cuevas.
Paliwanag ni Willy, “May ibang dating sa akin ang Christmas. Parang masaya kapag may nagmamahal sa yo. Pero kapag wala, parang kulang ang Pasko, and this message is clear in the song.
“Parang ironic na nagkakasiyahan ang lahat pero iba ang nararamdaman mo."
Dagdag niya, “This is TJ’s debut single. Revelation for his fans ang another talent ni TJ, magaling pala siya na kumanta.
“Narinig ko mula kay TJ ang timbre ng boses na hinahanap ko at medyo naka-relate siya kasi nangyari rin sa kanya ang lyrics ng kanta.
“Nung ipinarinig ko sa kanya ang demo song, nagandahan at talagang napaiyak si TJ.”
Read: ABS-CBN's trending lyric video of 2022 Christmas station ID gets 1.5M views on YouTube
WILLY CUEVAS'S OTHER COMPOSITIONS
Hindi ang "Pinili Mo Pang Lisanin Ako ng Pasko" ang unang kanta na nilikha ni Willy.
May kinalaman siya sa lyrics ng theme song ng sitcom na Home Along Da Airport at ng Willingly Yours.
Si Willy ang sumulat ng lyrics ng mga orihinal na awit na ginamit noon sa mga production number ng Star Awards at Urian Awards.
Kolaborasyon naman nila ng songwriter at singer na si Lito Camo ang "Anone sa Japan," ang single ng Japanese comedian na si Ya Chang.
Konsepto ni Willy ang Rainbow Rumble, ang game show ng Kapamilya Channel.
Siya rin ang lumikha ng "Color Clash," ang theme song ng programa ni Luis Manzano sa Kapamilya Channel.
Bukod sa composer ng "Pinili Mo Pang Lisanin Ako ng Pasko," si Willy ang producer ng unang single ni TJ.
Song arranger naman si Alvin Caraveo at sound engineer si Ruben Remperas.
Ang Curve Entertainment ang distributor ng "Pinili Mo Pang Lisanin Ako ng Pasko," na maaari nang mapakinggan sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, Amazon Music, Tidal, at Deezer.
Read: Jose Mari Chan, Christmas icon to old and new generations