“Muntik ko nang maging kapatid yan, charot lang!” pabirong reaksiyon ni Andre Yllana nang tanungin tungkol sa unang pagkakataong makakatrabaho niya si Andres Muhlach.
Magkasama ang dalawa sa Mutya ng Section E, ang 16-part Wattpad University series na pinagbibidahan nila at mapapanood sa Viva One.
Si Andre ay anak ng dating mag-asawang sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.
Si Andres naman ay anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Noong 1993, nagtambal sina Aga at Aiko sa pelikulang May Minamahal, na naging official entry sa Metro Manila Film Festival 1993.
Ang pagtatambal nila sa May Minamahal ang pinagmulan ng balitang nagkaroon sila ng relasyon at pinanggalingan ng biro ni Andre.

AIKO AND AGA AWARE OF ANDRE AND ANDRES' PROJECT
Tinanong si Andre kung alam ng kanyang ina na si Aiko na magkasama sila ni Andres sa Mutya ng Section E.
“Aware naman po si Mommy, nasabi ko po sa kanya. Actually happy siya nung nabanggit ko na makaka-work ko po si Andres,” sagot ni Andre.
Ayon naman kay Andres, alam din ng ama niyang si Aga na magkatrabaho sila ng anak ni Aiko sa upcoming university series na mapapanood sa Viva One.
Kuwento ni Andres, “When I told my dad na I am gonna work with Andre, I was very excited kasi he knows Tita Aiko.
“This is my second project and I am very grateful and blessed to be doing Da Pers Family with my parents and my sister and the other great people in the cast.
“Overall, this project, when we first got this and when I learned about the cast, I was really really excited, super excited actually. I couldn’t hide my smile talaga.”
Read: Andres Muhlach pumasok na rin sa showbiz; Muhlach family bibida sa TV5 sitcom
ANDRES ON SPEAKING TAGALOG
Si Andres ang lead star ng Mutya ng Section E.
Unti-unti nang nasasanay sa pagsasalita ng Tagalog si Andres dahil kailangan sa mga eksena niya sa Mutya ng Section E at sa sitcom nila ng kanyang pamilya sa TV5, ang Da Pers Family.
“Unang-una, yung Tagalog ko, inaaral ko yan araw-araw kahit sa bahay and also working with my family, then Da Pers Family.
“Yung mga eksena natin puro Pilipino so I really try to work on it every day,” sabi ng newcomer.
Ang Mutya ng Section E ang pangalawang acting assignment ni Andres, at hindi niya kasama rito ang kanyang pamilya.
Sa media conference ng Mutya ng Section E na naganap nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 8, sa Viva Cafe, Araneta City, Cubao, tinanong kung ano ang payo sa kanya nina Aga at Charlene.
Ayon kay Andres, “The advice they gave me was more on just trust in yourself, be confident always, and really believe in yourself talaga. That’s the advice they gave me.
“Ako naman, I don’t really ask my parents for advice all the time. They let me try to figure things out on my own and when I make mistakes, that’s when I talk to them.”
Read: Andres Muhlach, inaming hindi pa siya nagkaka-girlfriend