Gaya ni Alden Richards, Ginoong Sta. Rosa titleholder ang 20-year-old VMX actor na si Ghion Espinosa.
Labimpitong taon ang edad ni Ghion nang mapanalunan nito ang Ginoong Sta.Rosa title noong 2022.
Pero pinili niyang huwag maging kinatawan ng kanilang bayan sa Ginoong Laguna 2022 dahil masyado pa siyang bata noon.
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods
“Hindi po ako lumaban sa Ginoong Laguna. Pinapalaban po nila ako pero sabi ko hindi pa po ako ready.
“Bata pa po ako noon, 17 years old. Feeling ko po, hindi ko kaya. Malalakas yung mga kalaban ko,” pahayag ni Ghion sa eksklusibong pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files.
Alam ni Ghion na produkto ng Ginoong Laguna sina Alden, Jeric Gonzales, at Jak Roberto pero hindi siya nanghinayang sa pinakawalang pagkakataon dahil nangibabaw sa kanya noon ang panghihina ng loob.
Tanggap din niya na malaki ang pagkakahawig niya sa former PBB Teen Edition housemate na si Fred Payawan.
Read: From Vivamax to VMX: 12 pasabog ng No. 1 Filipino streaming site
GHION ESPINOSA ON HIS VMX ENTRY
Ang maging artista ang pangarap ni Ghion mula pagkabata.
Natupad ito nang matuklasan siya ng isang talent manager na nagdala sa kanya sa opisina ng Viva Entertainment.
Kuwento ni Ghion, “Hindi ko po alam na papasok ako sa VMX dahil nag-workshop ako for Viva One kaya months kong pinag-isipan ang pagpasok sa VMX.
“Nagpaalam po ako sa mga magulang ko. Ang sabi ko, ‘Ma, huwag ninyo na lang panoorin.’
“Pero ang nangyayari po, ang napapanood ni Mama, yung kumakalat na reels ng movies ko.
“Ang daddy ko, pinapanood niya lang yung mga scene na hindi seksi. Pinu-forward niya, at sure po ako dahil Vivamax account ko ang gamit niya.”
Tiniyak ni Ghion na hindi naiinggit ang kanyang ama sa mga eksenang ginagawa niya sa pelikula.
Read: AJ Oteyza, happy sa #1 rating ng Baligtaran sa VMX Top 10
Ayon kay Ghion, gagamitin lamang niyang stepping stone ang pagpapaseksi sa kanyang mga proyekto sa VMX dahil sa kagustuhang makilala siya bilang isang mahusay na aktor.
“Stepping stone lang po. At if may chance, kung kakayanin na forever, gusto ko na forever na mag-artista.
“Longtime dream ko ito. Simula pa noong bata ako, gusto ko nang maging artista, so parang panaginip sa akin ang lahat.
"Parang ina-act ko na ngayon ang sarili ko sa ibang karakter,” sabi ni Ghion.
LATEST VMX PROJECT
Ipinagpapatuloy ni Ghion ang kanyang Tourism course sa Asia Technological School of Science and Arts ng Sta. Rosa City, Laguna, kahit sunud-sunod na ang mga proyekto niya para sa VMX.
Ang Ungol ang bagong pelikula ni Ghion.

Ayon sa direktor na si Bobby Bonifacio Jr., mahusay umarte ang 20-year-old newcomer.
“Magaling si Ghion. Marunong siya at natural umarte. Siyempre bata pa pero isa siya sa mga hindi ako masyadong nahirapan,” papuri ni Bobby para kay Ghion.
Sinabi naman ni Ghion na nalaman niya ang pagkakaiba ng kahulugan ng halinghing at ng ungol habang ginagawa nila ni Stephanie Raz ang pelikulang kanilang pinagbibidahan.
Read: VMX director Bobby Bonifacio Jr., related sa dalawang bayani