Nagsalita nang tapos si Juan Emmanuel "Juamee" Revillame na wala sa isip nito ang pumasok sa showbiz at sundan ang yapak ng kanyang ama, ang Wil To Win host na si Willie Revillame.
Si Juamee ay anak ni Willie sa ex-wife nitong si Liz Almoro.
Read: Willie Revillame bonds with three children from three different women
“I have no plans at all of entering showbiz. Ang focus ko lang po ngayon ay ang aking pag-aaral at pagtulong sa mga Pilipino, kasama po ang tatay ko,” pahayag ni Juamee sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files.
JUAMEE ON DAD WILLIE
Alam ni Juamee na sikat na personalidad si Willie, na kanya raw ipinagmamalaki at itinuturing na inspirasyon.
Ano ang mga ugali ni Willie na minana niya?
Aniya, “I think I inherited his ways of being organized, well-prepared and always in order.
“As simple as making my bed every morning, it has gone a long way for me. It helps me stay consistent with having a routine and productive schedule every day.”
Anong mga importanteng aral sa buhay na natutunan niya mula sa kanyang ama?
Sagot ni Juamee, “The greatest lesson that I have learned from my father is to help others because they need it more than us.
"I have been privileged and blessed my whole life, but I’m very thankful of our experiences together dahil po it keeps me grounded and motivated to help people in need."
Dagdag niya, “Definitely hard work ang biggest influence niya sa akin.
"He came from nothing and to see him still prioritize others when he could be enjoying life is what inspires me to live with purpose and meaning."
JUAMEE CELEBRATES BIRTHDAY WITH YOUNG CANCER PATIENTS
Isinilang si Juamee noong Oktubre 30, 2005.
Bilang bahagi ng selebrasyon kanyang ika-19 kaarawan, pinili niyang magdiwang at pasayahin ang mga kabataang may kanser at pasyente ng Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City noong Huwebes, Oktubre 31, 2024.
“I chose to spend my birthday with cancer patients dahil po malapit sa puso ko ang mga kababayan ko that are suffering from this illness.
“May mga kamag-anak po ako na nagkaroon ng cancer at sana po, ang pagbisita namin ay nakapagbigay sa kanila kahit kaunting saya, tulong at pag-asa,” sabi ni Juamee, sa kauna-unahang pagkakataon na pagpapaunlak niyang pagsasalita.
Second year college si Juamee sa De La Salle University sa Maynila at Entrepreneurship ang kanyang kurso.
Read: Willie Revillame bonds with daughter Meryll and son Juamee