Trigger Warning: This article contains graphic details of injury
Nagkaroon ng near-death experience ang Filipino-Italian actor na si Nico Locco dahil sa freak accident na naganap sa set ng VMX movie na Kolektor sa San Mateo, Rizal, noong Oktubre 26, 2024, bandang alas-diyes ng gabi.
Si Nico ang bida at co-producer ng Kolektor.
Read: Nico Locco breaks up anew with Christine Bermas
Nawalan siya ng malay habang kinukunan ang kanyang breakdown scene kaya tumama sa concrete gutter ang ulo niya.
Ang akala ng production team, bahagi pa rin ng eksena at pag-arte ng aktor ang nangyari.
“Nahimatay ako sa isang eksena sa shooting namin,” kuwento ni Nico nang makausap siya ng Cabinet Files ngayon Huwebes ng gabi, Oktubre 31.
“Nakaluhod ako tapos super breakdown scene. Nasobrahan ako sa emotions tapos puyat, pagod, at baka dehydrated ako.
“Nag-blackout ako at yung skull ko, tumama sa edge ng concrete gutter. Nag-seizure ako for thirty seconds after tumama ang ulo ko sa gutter curve.
“Ironically, sa kinukunang eksena, marami akong blood sa face. So, nung na-hit ang face ko sa gutter, akala ng production staff, okay ako.
"Akala nila nung una, part ng acting ko. Pero nung nakita nila na nag-seizure ako, nag-panic na silang lahat. Sabi nila, ‘Sh*t, hindi na acting ito!’
“Saka once na natanggal ang blood, nakita nila ang sugat at ang impact, namamaga na ang mukha ko. Scary talaga.”
Read: Nico Locco to launch his own underwear brand in the Philippines
CT SCAN RESULT
Mula sa set ng Kolektor sa San Mateo, Rizal, nagpunta si Nico sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City para sumailalim sa CT scan.
Muli siyang nawalan ng malay rito.
Pagpapatuloy ng kuwento ni Nico, “Hindi ako dumiretso sa emergency room kasi akala ko, okay lang ako.
“Nasa CT scan area ako at ikinukuwento ko sa hospital staff ang nangyari sa akin, tapos nag-blackout uli ako sa harap nila.
“Nag-panic sila so ni-rush ako sa emergency room and I stayed over for one night sa hospital for monitoring.
“Ang CT scan result, walang masyadong damage, walang bleeding sa brain, pero may rapture sa front ng face ko.
“Ang sabi ng doktor ko, ‘Manageable yan.’ Pero he told me I am one of the luckiest patient na na-encounter niya kasi yung blunt force trauma sa skull, usually nagkakaroon ng crack or may internal bleeding at brain damage.
“Sabi niya, ‘Whoever [guardian angel] was looking over you during that time, you’re super lucky na hindi ka namatay or nag-suffer ka ng brain damage, at least.’
“Sinabi ng doktor na near-death experience ang nangyari sa akin.
“First time kong nahimatay sa buong buhay ko at medyo forgetful ako for the last couple of days, medyo foggy kaya pahinga muna ako buong week.
“Parang wake-up call for me ang nangyari. I have to watch for my health talaga. Grabe…”
Read: Nico Locco no regrets posting rant against It's Showtime
Nabahala nang husto si Nico sa naranasang freak accident sa set ng VMX movie na pinagbibidahan niya kaya nangako siya sa sarili na magiging maingat na siya.