Posibleng magsara sa susunod na taon ang sikat na street-side restaurant na pag-aari ni Supinya Junsuta, na mas kilala sa palayaw niyang Jay Fai, sa Bangkok, Thailand.
Ang tumataas na presyo at pahirapang paghahanap ng mga sangkap sa pagluluto, pati ang panghihina ng katawan dahil nagkakaedad na siya, ang ilan sa mga dahilan na ibinigay ni Jay Fai.
Read: Vietnamese restaurant offers bubble tea beef noodles
Dinarayo ng mga sikat na personalidad mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang restaurant ni Jay Fai.
Dahil mga dekalidad at masasarap na pagkain ang inihahain ni Jay Fai sa mga kostumer niya, unang pinagkalooban ng one star ng Michelin Guide ang restaurant niya noong 2018.

Ang crab meat omelette at Tom Yum ang dalawa sa pinakapopular na menu sa restaurant ni Jay Fai.
Read: Kinmemai Premium, world’s most expensive rice at PHP6,000 a kilo

"BEST COOK IN THAILAND"
Si Jay Fai ay binansagang "Best Cook in Thailand" ng American TV personality at businesswoman na si Martha Stewart.
Isa si Jay Fai sa featured chefs sa 2019 Netflix documentary series na Street Food: Asia dahil sa kanyang husay sa pagluluto.

Nagpahiwatig noon si Jay Fai na magreretiro siya sa edad na 80 mula sa kanyang nakasanayang trabahong pagluluto kaya apat na araw na lamang bukas ang kanyang restaurant sa loob ng isang linggo.
Sa kasalukuyan, 81 years old na si Jay Fai, at desidido na siyang isara ang restaurant niya.
Isa itong malungkot na balita para sa lahat ng kanyang mga parokyano.
Read: VIRAL (again!): Fast-food manager doused with soft drink
POPULAR CELEBRITIES WHO VISITED JAY FAI
Kabilang sina Martha Stewart, Ed Sheeran, Russell Crowe, John Legend, Chrissy Teigen, Lisa Manobal ng BLACKPINK, at ang Chinese business magnate na si Jack Ma sa prominent personalities na dumayo sa restaurant ni Jay Fai para makilala siya nang personal at matikman ang kanyang masasarap na pagkaing niluluto.





Sa mga Filipino celebrity, sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at ang ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang ilan sa mapapalad na nakatikim sa mga pinag-uusapang pagkain na inihahain ng veteran Thai cook.

Ikinuwento ni Kathryn sa kanyang YouTube vlog noong Hunyo 2022 na tatlong beses nilang tinangka ni Daniel na kumain sa restaurant ni Jay Fai. Pero nagtagumpay lamang sila sa kanilang ika-apat na pagkakataong pagbisita.
Nahiya si Kathryn na kunan ng litrato si Jay Fai, pero puring-puri nila ni Daniel ang kakaibang dedikasyon at sipag ng Michelin-starred cook na nagluluto mula 9 A.M. hanggang 9 P.M.
Read: “John Wick” spotted in Thailand