PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX director Bobby Bonifacio Jr., related sa dalawang bayani

Bobby Bonifacio Jr., ipinaliwanag ang kaibahan ng ungol sa halinghing.
by Jojo Gabinete
Published Oct 29, 2024
bobby bonifacio jr. heroes
VMX director Bobby Bonifacio Jr. (main photo) suspects that he is somehow related to national hero Andres Bonifacio (inset, top), while he reveals that he is a direct descendant of General Mariano Alvarez (inset, bottom).
PHOTO/S: VMX Philippines / Files

Dahil Bonifacio ang apelyido ng direktor na si Bobby Bonifacio Jr., itinanong sa kanya ng Cabinet Files ang posibleng kaugnayan nito sa Katipunan founder at bayani na si Gat Andres Bonifacio.

“Suspetsa ko po ay may relasyon kami,” sabi ni Bobby sa mediacon ng kanyang bagong project sa VMX (dating Vivamax), ang Ungol.

Ginamit na basehan ng direktor ang pag-iwas sa pagsagot ng kanyang lolo sa tuwing tinatanong ito tungkol sa bayaning pinaslang noong May 10, 1897.

Read: Filipino Actors Who Portrayed Philippine Heroes

andres bonifacio
Andres Bonifacio
Photo/s: Wikipedia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: “Kasi nga, yung tatay ko po, tinatanong niya palagi ang lolo ko kung kamag-anak namin si Andres.

“Ang sagot niya palagi, ‘Hindi na importante yan.’ Ibig sabihin, parang may itinatago po siya na hindi namin alam.

“At the same time, sa grandmother side naman, legit na kamag-anak namin si General Mariano Alvarez, isa sa mga pinuno ng Katipunan or KKK.

“Kung anuman ang relationship namin kay Andres na ayaw sagutin ng lolo ko, yun po ang nakakapag-spark ng curiosity. Baka may illegitimacy [issue] o baka may kuwentong nakaka-Vivamax.”

Read: Buwis-buhay na sakripisyo ng frontliners ipi-feature sa ABS-CBN docu show

DESCENDANT ODF GENERAL MARIANO ALVAREZ

Kinumpirma ni Bobby na ninuno niya si Alvarez.

Kamag-anak din ng direktor na si Chito Roño si Alvarez kaya kinikilala nila ng dalawang direktor ang isa’t isa bilang second cousins.

Gaya ni Bonifacio, itinuturing na bayani si Alvarez dahil ito ang nanguna sa pakikipaghimagsikan noon laban sa mga Kastilang nagplano na sakupin ang lalawigan ng Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
general mariano alvarez
General Mariano Alvarez

Pamangkin ni Alvarez si Gregoria de Jesus, ang asawa ni Bonifacio.

Kinikilala ni Bonifacio ang malaking kontribusyon ni Alvarez sa pagwasak sa tulay ng Kalero sa Noveleta, Cavite, pagtambang at pagpaslang sa isang libong sundalong Kastila kaya hindi nito nasakop ang maraming bayan sa naturang probinsiya.

Ang kabayanihan na ipinamalas ni Alvarez ang dahilan kaya binansagan siya ni Bonifacio na “Heneral” at “Pangalawang Supremo ng Katipunan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinangalan kay Alvarez ang isang bayan sa Cavite na dating bahagi ng Carmona, na kilala ngayon sa tawag na GMA mula sa kanyang abbreviated name na General Mariano Alvarez.

Ang koneksiyon noon nina Bonifacio at Alvarez sa isa’t isa ang lalong nagpaigting sa hinala tungkol sa maaaring kaugnayan ni Bobby sa Supremo ng Katipunan.

Read: Celebs we want to cast as Filipino Heroes

UNGOL VS. HALINGHING

Kahit nananalaytay sa ugat ni Bobby ang dugo ni Alvarez, hindi pa pumapasok sa isip niya na gumawa ng pelikula tungkol sa mga bayani.

Nakatutok sa kasalukuyan ang atensiyon at panahon ni Bobby sa paggawa ng sexy drama projects sa VMX.

Ang latest project niya ay ang Ungol, na pinagbibidahan nina Stephanie Raz, Ghion Espinosa, at Chad Solano.

Read: From Vivamax to VMX: 12 pasabog ng No. 1 Filipino streaming site

ungol mediacon
Ghion Espinosa, Stephanie Raz, and Direk Bobby Bonifacio Jr. at Ungol mediacon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaliwanag ni Bobby ang kaibahan ng salitang ungol at ng halinghing.

“Kung may halinghing, moans ng isang babae, itong ungol, parang moans ng lalaki,” sabi ni Bobby.

“So, itong ungol na ito ay naririnig ng bida natin na bulag, si Jean. At dito siya nahumaling, sa certain na ungol na hindi niya malimutan.

“Si Jean po ay may silid-parausan sa bahay niya, motel, sa isang poor urban community. At dito nanggagaling ang ungol na pumasok sa kaibuturan niya.”

Ayon kay Bobby, matagal nang konsepto ang kuwento ng Ungol, na ideya nila ng kanyang pumanaw na matalik na kaibigan.

“Matagal nang naglalaro ang Ungol sa isip po namin ng college best friend ko, si Jonathan Juanillo.

“What if may isang bulag na ang pleasure niya, e, nanggagaling sa tunog at galing sa isang ungol na hindi niya makalimutan?

“And from that, binuo ko po yung kuwento. Sa kasamaang-palad, yung best friend ko po ay sumakabilang-buhay na. Actually, dedicated ko sa kanya ang movie,” lahad ni Bobby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nagdalawang-isip si Bobby na magbigay ng halimbawa ng isang uri ng ungol ng lalaki nang mahilingan siya sa ginanap na mediacon ng bagong pelikula niya.

Read: Hubadero 2024 3Q: Male stars who sizzled online and in cinemas

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX director Bobby Bonifacio Jr. (main photo) suspects that he is somehow related to national hero Andres Bonifacio (inset, top), while he reveals that he is a direct descendant of General Mariano Alvarez (inset, bottom).
PHOTO/S: VMX Philippines / Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results