PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liam Payne, nag-upload ng photos isang oras bago pumanaw

Pagkahulog ni Liam Payne, aksidente o sinadya?
by Jojo Gabinete
Published Oct 17, 2024
liam payne snapchat photos
Former One Direction member Liam Payne posted these photos on his Snapchat Story one hour before his tragic death in Bueros Aires, Argentina.
PHOTO/S: Liam Payne Snapchat

Patuloy ang imbestigasyon ng Buenos Aires Police sa tunay na sanhi ng kamatayan ng former One Direction member na si Liam Payne.

Ayon sa mga naunang ulat, nahulog si Liam mula sa ikatlong palapag ng CasaSur, ang hotel na kanyang tinutuluyan sa Palermo, Buenos Aires, Argentina.

Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31

Inaalam mabuti ng awtoridad kung aksidente o sinadya ang pagkahulog ni Liam sa trahedyang nangyari noong Miyerkules ng hapon, Oktubre 16, 2024 (Huwebes ng madaling-araw, Oktubre 17, 2024 sa Pilipinas).

Sa ulat ng mga pahayagan sa Buenos Aires, bago naganap ang malagim na pagpanaw ni Liam, nakatanggap ng tawag ang 911 mula sa empleyado ng hotel.

Inireklamo ng emplayado ang isang lalaking tila lasing o nasa impluwensiya umano ng ipinagbabawal na gamot na nagwawala sa lobby, inihampas ang laptop na dala at kinailangang buhatin pabalik sa kuwarto niya.

"BEAUTIFUL DAY IN ARGENTINA"

Isang oras bago namatay si Liam, nag-upload siya sa Snapchat Story ng mga larawang kasama ang kanyang karelasyon na si Kate Cassidy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption niya rito, “Beautiful day in Argentina.”

liam payne last photos
Photo/s: Liam Payne Snapchat
liam payne last photos
Photo/s: Liam Payne Snapchat
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa nangyari kay Liam kaya dumagsa sa CasaSur hotel ang kanyang mga tagahangang hindi makapaniwalang wala na ang kanilang iniidolong mang-aawit.

Dumating si Liam sa Buenos Aires noong Setyembre 30 para suportahan ang kapwa dating One Direction member na si Niall Horan na nagkaroon ng concert sa Movistar Arena noong Oktubre 2, 2024.

Kasama ni Liam sa Argentina ang kanyang girlfriend na si Kate Cassidy, pero nauna itong umalis sa Buenos Aires noong Oktubre 14.

liam payne kate cassidy
Liam Payne and girlfriend Kate Cassidy
Photo/s: @kateecass on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ex-fiancée ni Liam, ang American model na si Maya Henry, ang isa sa mga hiningan ng pahayag tungkol sa pagpanaw ng singer.

Pero isang malapit kay Maya ang nagsabing socked na shocked ito sa nangyari.

Read: One Direction thanked “absolutely incredible” Filipino fans during first Manila concert

LEGAL CASE BETWEEN

Ilang araw bago namatay si Liam, sinimulan ni Maya ang paghahain ng reklamo dahil sa diumano’y panggugulo sa kanya at sa pamilya niya ng dating miyembro ng One Direction.

Pinadalhan ng mga abogado ni Maya ng cease and desist letter si Liam dahil sa obsesyon umano nitong makipag-ugnayan sa kanya, kahit naghiwalay na sila noong 2022.

liam payne and maya henry
Liam Payne and Maya Henry
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahay ni Maya, “Ever since we broke up he messages me, will blow up my phone, not only from his phone, it's always from different phone numbers too, so I never know where it's gonna come from.”

Nakatatanggap ngayon ng mga mensahe si Maya na huwag magpaapekto sa fans ni Payne na siya ang sinisisi sa pagkamatay ng 31-year-old singer.

Read: One Direction member Niall Horan says the Philippines sets the standard for other countries

ONE DIRECTION

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga dating miyembro ng One Direction na sina Harry Styles, Louis Tomlinson, Zayn Malik, at Niall Horan tungkol sa malagim na pagkawala ni Liam Payne.

one direction members
One Direction members: (from left) Louis Tomlinson, Niall Horan, Zayn Malik, Liam Payne, and Harry Styles
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naulila ni Liam ang kanyang seven-year-old son na si Bear Grey, ang anak niya sa singer na si Cheryl Cole na dating miyembro ng pop girl group na Girls Aloud.

Labing-apat na taon lamang si Liam nang sumali siya sa The X Factor noong 2008.

Sixteen years old siya nang maging miyembro ng One Direction, ang English-Irish boyband na binuo ni Simon Cowell at inilunsad noong 2010 sa The X Factor.

Sa isang panayam noong Hunyo 2021, ipinagtapat ni Liam ang pagkakaroon nito ng mga bisyo tulad ng pag-inom ng alak at addiction sa prescription drugs sa panahon ng matinding kasikatan ng kanilang grupo.

Isiniwalat din niya ang kanyang mental health issues at suicidal ideation.

Ang One Direction ang isa sa mga pinakasikat na boyband ng kanilang panahon. Nabuwag ang kanilang grupo noong 2015.

Read: Niall Horan confirms One Direction break; band 'not splitting up'

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former One Direction member Liam Payne posted these photos on his Snapchat Story one hour before his tragic death in Bueros Aires, Argentina.
PHOTO/S: Liam Payne Snapchat
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results