Ang dating guro at OFW na si Jasmin Bungay ng Pilipinas ang nagwagi na second runner-up sa Miss Globe 2024 na ginanap sa Tirana, Albania noong Martes, Oktubre 15, 2024 (Miyerkules nang madaling-araw sa Pilipinas, Oktubre 16).
Read: Mr. Grand PH 2024 candidate, gusto ring mag-artista gaya ng ama
Si Diana Moreno ng Colombia ang nanalo na Miss Globe 2024, first runner-up si Prada Thansita Dilhokanansakul ng Thailand, si Andromeda Schuster ng Germany ang third runner-up, at si Miss Vietnam Ha Trang Do ang 4th runner-up.
Parang sinundan lamang ni Jasmin ang yapak ni Anna Lakrini, ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Globe 2023, dahil second runner-up din ito sa sinalihan na international pageant.
Kabilang sa mga hurado ng Miss Globe 2024 si Mister Supranational Canada 2023 Luis Portelles na isa nang pageant analyst at residente na ng Pilipinas.
JASMIN BUNGAY Q&A PORTION
Si Portelles ang nagtanong kay Bungay ng final question.
Bago niya tinanong ang 26-year-old Filipina beauty queen, sabi muna ni Portelles, "You look so gorgeous tonight."
Sabay tanong ni Portelles, "As technology changes quickly, how can we make sure we keep real human connections and show empathy in our daily lives?"
Sagot ni Jasmin, "I believe that with the advancement of technology and the abuse that is prevalent now in the technological world, I believe to be emphatic is to live in the moment, to make sure that every moment is treasured not on the screen but in real life. 'Coz only when we have real connections, only when we connect with each other, face-to-face, physically then we can feel each other and we can experience to fullness of life."
Dahil sa kanyang sagot sa Q&A, marami ang nag-akalang siya ang mananalo, lalupa’t matagal bago nakasagot si Moreno dahil hindi nito agad naunawaan ang tanong sa kanya.
MISS GLOBE 2024 "LARO-LARO" ACCORDING TO PINOY PAGEANT FANS
Para sa mga nagpuyat sa panonood ng coronation night ng Miss Globe 2024, "laro-laro" lamang ang nabanggit na patimpalak dahil pagkatapos sumagot ni Jasmin, mabilis na tinawag para umakyat sa entablado ang jury member na si Malan Breton.
Si Breton ang nag-anunsyo ng mga nanalo na runner-up na ikinagulat ng mga nanood dahil sa diumano’y napakabilis na tabulation ng resulta.
Si Breton din ang nagputong kay Jasmin ng korona at naglagay ng mali dahil baligtad na second runner-up sash.
Kaya tulad ng ibang mga international beauty contest, ginawa na lamang na katatawanan ng Pinoy pageant fans ang katatapos na Miss Globe 2024, na sa kanilang pananaw ay hindi rin dapat seryosohin.
Read: CJ Opiaza, di kasama sa Top 8 ng Miss Popular ng MGI 2024