Nagkita sa kauna-unahang pagkakataon si Ai-Ai delas Alas at si Angelica Yulo, ang kontrobersiyal na ina ni two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo.
Naganap ang pagkikita nina Ai-Ai at Angelica sa isang karaoke bar sa Malate, Manila, ngayong Martes ng hapon, Oktubre 15, 2024.
Read: Ai-Ai delas Alas, proudly Team Nanay sa Pamilya Yulo family feud
Inimbitahan ni Ai-Ai si Angelica para maging featured guest sa "The Clash, Agad-Agad," ang singing challenge na napapanood sa official Facebook page ng Comedy Concert Queen.
Bilang kapalit, pumayag si Ai-Ai na tulungan ang ina ni Carlos sa live selling nito ng mga panindang T-shirt sa Facebook.

MUTUAL ADMIRATION
Nagkaroon ng mutual admiration sa isa’t isa ang dalawa.
Nakuha ni Angelica ang simpatiya ni Ai-Ai dahil ito ang kinampihan ng Kapuso star sa hidwaan nila ni Carlos at ng girlfriend nitong si Chloe San Jose.
Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son
Gulat na gulat si Ai-Ai sa unang pagtatagpo nila ni Angelica, na hindi niya agad nakilala at napagkamalang elementary student.
Pero mabilis na nagkapalagayan ang mga kalooban nila.
Para sa "The Clash, Agad-Agad Challenge," ang "Dancing Queen" ang inawit ni Angelica.
Pagkatapos kumanta ni Angelica, biglang dumating ang kanyang asawa na si Mark Andrew Yulo, na saglit nagpaalam sa trabaho para personal na makilala si Ai-Ai.
Bago umalis, nagpaunlak si Mark Andrew na umawit at magkasabay nilang kinanta ni Ai-Ai ang "Blue Bayou."

Nagdiwang kamakailan ng kaarawan si Mark, pero “wala akong idea” ang sagot ni Angelica nang itanong ni Ai-Ai kung naalala ba ni Carlos na batiin ang ama nito.
Read: Mark Andrew Yulo demands an end to rift with son Carlos, Chloe
LIVE SELLING
Mahigit sa tatlong libo ang bilang ng mga tumutok sa FB live selling nina Ai-Ai at Angelica.
Kabilang sa nanood ang direktor na si Darryl Yap at content creator na si Boss Toyo kaya sold-out ang lahat ng mga paninda ng ina ni Carlos.
Ayon kay Angelica, matagal na siyang nag-move on mula sa hidwaan nila ng kanyang anak na nananatiling malayo at mailap sa pamilya.
Walang koneksiyon si Carlos sa nakakaantig-damdaming kuwento ng muling pagkikita ng Manila police officer na si Julius Manalo at ng Korean mother nito makalipas ang 31 taon, pero madalas na nababanggit ang kanyang pangalan sa comments.
Tanong ng netizens, “Kailan naman kaya hahanapin ni Carlos ang nanay niya?”
Read: Filipino-Korean policeman reunites with Korean mom after 31 years