PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz personality, di pa rin makapag-move on sa hiwalayan

Showbiz personality, umaasa pa ring magkakabalikan sila ng daing karelasyon.
by Jojo Gabinete
Published Oct 13, 2024
blind item showbiz personality
PHOTO/S: Canva

Hindi matanggap ng isang showbiz personality ang katotohanang may iba nang karelasyon ang dating minamahal niya.

Hanggang ngayon, umaasa siyang magkakabalikan sila.

Read: Aktres, buntis na sa wakas matapos ang matagal na paghihintay

Madalas malungkot at nagkukulong sa bahay ang showbiz personality dahil dinidibdib nito nang husto ang pagiging sawi sa pag-ibig.

Tinanggihan ng showbiz personality ang alok na drama series na pagbibidahan nila ng mga sikat na artista ng isang TV network dahil tamad na tamad siyang magtrabaho.

Mas pinili ng showbiz personality na kaawaan at paulit-ulit na tanungin ang sarili dahil nagawa siyang iwanan ng dating minamahal na matagal nang nag-move on at may iba nang karelasyon.

Read: Aktres, hindi pa rin ipinagtatapat ang pagbubuntis sa publiko

EX IS NOW VERY HAPPY WITH NEW RELATIONSHIP

Bihirang-bihira nang makita sa mga showbiz event ang showbiz personality.

Nasisilayan na lamang ito sa mga out-of-town appearance na tinatanggap niya dahil bukod sa malaki ang bayad, hindi siya napapagod at napupuyat kaya mahaba ang panahon ng kanyang pagmumukmok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinarurusahan lamang ng showbiz personality ang sarili dahil hinding-hindi na siya babalikan ng karelasyong biktima ng emotional blackmail.

Maligayang-maligaya ngayon ang dating karelasyon na pinahahalagahan ang natikmang kalayaan buhat nang iwanan niya ang taong nagbigay sa kanya noon ng maraming alalahanin at ginagamitan siya ng emotional blackmail sa matagal na panahon ng pagmamahalan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results