PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper, goodbye na after 20 years

Chris Tsuper, kakandidatong konsehal sa Lucban, Quezon.
by Jojo Gabinete
Published Oct 12, 2024
nicole hyala chris tsuper love radio
Nicole Hyala (left) and Chris Tsuper (right), who had been partners in their radio program on 90.7 Love Radio for 20 years, exchange messages for each other during their last show together as co-hosts on October 11, 2024.
PHOTO/S: Love Radio Manila YouTube

"End of an era" ang pagsasalarawan ni DJ Nicole Hyala (Emmylou Gaite-Tiñana sa tunay na buhay) sa pagkabuwag ng tambalan nila sa radyo ni DJ Chris Tsuper (Adrian Policena sa tunay na buhay).

Makaraan ang dalawang dekada, nabuwag ang tambalan nina Nicole at Chris dahil kakandidatong konsehal sa Lucban, Quezon, si Chris para sa halalang idaraos sa Mayo 12, 2025.

chris tsuper filing of candidacy
Chris Tsuper has filed his Certificate of Candidacy for councilor in Lucban, Quezon.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mga DJ ng 90.7 Love Radio sina Nicole at Chris.

Ikinalungkot ng mga tagasubaybay ng kanilang programa nang magpaalam sila sa isa’t isa noong Biyernes, Oktubre 11, 2024, ang huling araw ni Chris sa radio show nila ni Nicole.

Read: Nicole Hyala, husband in tears over miraculous recovery of daughter, provision worth P2.3M

NICOLE'S MESSAGE FOR CHRIS

Umiiyak na sabi ni Nicole: “Ganoon talaga siguro kapag yung puso nasasaktan. Yun kasi yung nararamdaman ko ngayon, partner, yung pain.

“Yung sakit ng puso na hanggang sa mga oras na ito, hindi ko alam kung paano ko paghihilumin.

“Pero sa gitna ng pagdadalamhati ko, marami akong gustong sabihin sa yo.

"Una, gusto kong magpasalamat sa dalawampung taon ng tawanan at kuwentuhan.

“Hindi man tayo nagsasabihan ng saloobin kapag hindi tayo on-air, magkaiba man ang mga personalidad natin, nag-work nang bongga ang tandem natin for twenty years.

“Ikaw talaga yung itinadhana na maging katambal ko sa radyo. For the past twenty years, ramdam na ramdam ko na kayang-kaya mo na saluhin lahat ng mga higad ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I always say this and I will say it again, walang Nicole Hyala kung walang Chris Tsuper.

“Kasi partner, kalahati ng life ko, kasama kita, kahit on-air lang yung relationship.

"Pero alam ko naman na alam mo rin naman na si Nicole Hyala, wala naman siyang masyadong ipinagkaiba kay Emmy.

“Si Nicole, siya lang yung exaggerated at balahurang version ng totoong ako kaya siguro, hirap na hirap akong mag-let go.

"Honestly, hindi ako ready. Paano ba yon? Paano bang mag-let go ng twenty years?”

Read: DJ Nicole Hyala calls out basher for body-shaming a pregnant woman

nicole hyala and chris tsuper
Nicole Hyala and Chris Tsuper in their last episode together.
Photo/s: Love Radio Manila YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CHRIS'S MESSAGE FOR NICOLE

Pinipigilan naman ni Chris ang pagpatak ng kanyang luha habang pinakikinggan ang mga sinasabi ng radio partner at kaibigan niya.

“Really incredible kind of relationship," reaksiyon ni Chris tungkol sa dalawang dekadang tambalan nila ni Nicole sa radyo.

“Hindi siya basta-basta puwedeng i-let go talaga. Time heals all wounds.

"Oras ang makapagsasabi kung matatanggap natin na, 'Oo nga ‘no, meron din palang sariling buhay si Chris, meron din palang sariling buhay si Nicole Hyala.'

“Yung twenty years na yon, of course, I will cherish that forever. Hindi biro yung pagtalikod sa ganitong klase ng relationship.

“Yung twenty years is a testament to a healthy working relationship and bibihira yung ganoong klase ng relasyon sa isang trabaho.

“Magkaibang-magkaiba tayo ng ugali. Magkaiba tayo ng mindset pero natanggap natin yung isa’t isa, and it speaks volume of knowing each other.

"Grabe, natanggap ko si Nicole Hyala. Grabe si Nicole Hyala, natanggap yung ugali ni Chris Tsuper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Completely different yung behavior and mindset namin, but once we turn on the microphone, we understand each other. And that is something inexplicable up until now, for the two of us.

“Yung ganitong klase ng relationship, mawala man tayo sa radyo, but for sure, sa personal na buhay ko, dala-dala ko yon until my last breath.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nicole Hyala (left) and Chris Tsuper (right), who had been partners in their radio program on 90.7 Love Radio for 20 years, exchange messages for each other during their last show together as co-hosts on October 11, 2024.
PHOTO/S: Love Radio Manila YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results