Naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance ang comedian na si Bayani Agbayani bilang second nominee ng TUPAD party-list noong Oktubre 6, 2024.
Pero hindi ito agad napabalita dahil ang mga abogado ng TUPAD party-list ang naging kinatawan niya.
Read: Willie Revillame confirms run for senator in 2025 elections
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Bayani ngayong Biyernes, Oktubre 11, kinumpirma niya ang pagiging second nominee ng kinabibilangang party-list.
Ayon kay Bayani, ang pangunahing layunin umano ng party-list na kanyang isinusulong ay alalayan ang mahihirap na mamamayang Pilipino.
Saad nito: “Aalalay kami sa mga mahihirap nating kababayan sa kanilang pamumuhay at pagbuhay sa kanilang mahal na pamilya.
“Magbibigay rin kami ng tulong sa kanilang mga maliliit na negosyo upang mapalago ito at makapagsustento sila sa pang-araw-araw nila na pangangailangan, tulad ng pampagawa ng bangka kung sila ay mga mangingisda.
“Pampagawa at maintenance ng trakora kung sila ay magbubukid o magsasaka.
"Sa madaling salita, tutulungan namin sila na tulungan ang kanilang sarili para sa mga pamilya na binubuhay nila.”
Read: Nora Aunor, Abby Viduya, Aljur Abrenica tatakbo rin sa 2025
BAYANI AGABAYANI'S PLANS
May mga plano na raw si Bayani kung sakaling palaring manalo ang party-list na kanyang kinaaaniban.
Sabi niya: “Ang unang batas na gagawin ko ay libreng pagkain sa recess ng mga estudyante sa mga public elementary school at high school.
“Pero masustansiya dapat at ayon sa pangangailangan na pangkalusugan ng mga kabataan ang pagkaing ihahanda para sa kanila.
"Dahil naniniwala po ako na kahit gaano katalino ang isang batang mag -aaral, kung hindi naman siya nakakakain sa oras at hindi nakakakain ng masustansyang pagkain ay hindi siya makapag-aaral ng tama at maayos.
“Gagawa rin ako ng batas para sa mga gustong magtrabaho habang nag-aaral na maipasok sila sa mga company na papayagan silang magtrabaho at mag-aral pero mas malaki ang sasahurin nila kahit hindi sila makakakumpleto ng araw ng pasok sa trabaho dahil nag-aaral nga sila.”
Read: Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar nagsumite ng COC