Makalipas ang mahigit isang taon, muling magbibida sa isang afternoon drama series ang comedienne, TV host, at former beauty queen na si Herlene Budol.
Ang huling teleseryeng pinangunahan niya ay ang Magandang Dilag, na napanood sa GMA-7 mula Hunyo 26, 2023 hanggang Nobyembre 10, 2023.
Read: Herlene Budol di nagmamadaling magkaroon ng follow-up project pagkatapos ng Magandang Dilag
Makaraan nga ang isang taon, siya ang napili para magbida sa Binibining Marikit, na halaw ang pamagat sa pandemic hit song ng singer na si Juan Caoile.
Naganap ang story conference para sa Binibining Marikit sa GMA Network Studios sa Quezon City, nitong Biyernes ng hapon, Oktubre 11, 2024.
HERLENE BUDOL'S LEADING MAN
Kapansin-pansin ang presence sa storycon ng aktor na si Tony Labrusca.
Ang Binibining Marikit ang unang afternoon drama assignment sa Kapuso network ni Tony, na dating napapanood sa mga programa ng ABS-CBN.
Read: Tony Labrusca on being oversexualized and exploitation in showbiz
Bukod kina Herlene at Tony, dumalo rin sa storycon ang co-stars nilang sina Pokwang, Cris Villanueva, Jeff Moses, Ashley Rivera, Thea Tolentino, Almira Muhlach, John Feir, Miggs Almendras.
Ang direktor ng Binibining Marikit ay si Jorron Monroy, na sanay na sa pamamahala ng mga afternoon drama series ng Kapuso Network.
Ang Shining Inheritance at Abot-Kamay na Pangarap ang ilan sa kanyang mga proyekto.